Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mahalaga responsibilidad sa pagbabalita – Garin

0 430

Nilinaw ni dating Health Secretary at kasalukuyang Iloilo Rep. Janette Loreto-Garin na wala siyang masamang intension nang ungkatin ang ilang isyu sa pagdinig ng Kamara noong Lunes sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Ayon kay Garin, nakatanggap siya ng mga papuri ganundin ng mga batikos matapos magtanong subalit tanggap niya ito bilang isang public servant.

However, I would like to clarify and remind everyone that Section 4 of House Bill 4349 which seeks to renew the franchise of ABS-CBN is about Responsibility to the Public,” ani Garin.

Kabilang aniya dito ang pananatili sa lahat ng pagkakataon ng balanseng programa at pagtulong sa pagbibigay ng impormasyon at edukasyon sa publiko. Pinakamahalaga aniya sa lahat, hindi ginagamit ang istasyon o pasilidad para sa pagpapakalat ng maling impormasyon o misrepresentation sa mga isyung may interes ang publiko.

“Dalawa ang major issues na ni-raise ko ukol sa Section 4. One is ABS CBN’s use of non-experts in discussions and coverage of public health and medical issues and two, willfull misrepresentation,” ani Garin.

Nagpapasalamat umano siya dahil inamin ng ABS-CBN na gumamit sila ng mga hindi naman eksperto sa paglalahad ng mga isyu hinggil sa Dengvaxia na nagdulot ng panic dahil sa maling impormasyon sa publiko.

Leave A Reply

Your email address will not be published.