Abante Tonite Interactive

Mahalay sa concert: Vice mabenta kung paano tirahin sa puwet

413

tonite-pak-allan-diones

Ang saya ng Valentine’s Day namin dahil nanood kami ng “The Songbird and the Songhorse” concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda sa Araneta Coliseum.

Soldout ‘yung first night, na in fairness ay nag-start agad ng mga 8:30 PM, pero 12:00 midnight na ay hindi pa tapos dahil sa haba ng show.
Mas mahaba ang mga monologue at pa-comedy ni Vice kesa sa mga kantahan kaya inabot ng hatinggabi.

Parang ginawang Punchline at Laffline ni Vice ang Araneta dahil hindi siya nagpigil sa paglalaswa at tumodo siya sa kanyang mga balahurang joke kaya super-laugh ang audience.

Si Vice ‘yung panay kahalayan ang mga kuda, so si Regine ang wholesome ang peg kaya balanse.

Paulit-ulit ang babala nu’ng dalawa na SPG ‘yung “MMK” portion na in-spoof ni Vice si Charo Santos kaya palabasin daw muna ang mga bata.

Actually, R-18 ang mga hirit ni Vice bilang si Charoz na kaswal kung banggitin ang mga salitang keps, dyutay, dyupot, burnik, utong at ­di­ningding (o banatan sa dingding) sa mala-Xerex niyang pagbabasa ng sulat, kaya good luck kung paano ie-edit ‘yon sa TV coverage.

Ang haba nu’ng part na ‘yon, na puwedeng putulan para mas bumilis ang pacing ng show. Mas nakakatawa si Vice sa mga adlib niyang hirit at mga on the spot niyang kagagahan kesa kapag scripted ang mga hanash niya.

Si Robin Padilla ang guest ni Regine at nag-duet sila ng “Tuwing Umuulan.” May solo number din si Binoe.

Si Vice, ang surprise guest ay ang kaibigan nitong si Anton Diva, na nagulat nang paakyatin sa stage mula sa audience para makikanta kina Vice at Regine.

Parehong ginagaya-gaya lang dati nina Vice at Anton ang #1 idol nilang si Regine, kaya si Anton ang gusto ni Vice na maka-share ng stage para ma-experience ang moment na ‘yon with the Songbird. Nalerky si Reg sa dirty jokes ng dalawang baklush.

May pa-change costume pa sila for Anton bago nila kinantang tatlo ang “Shine,” na sina Regine at Anton ang bumanat ng birit part at aura-aura lang si Vice.

Related Posts

Kung si Vice ay panay ang puri sa idolo niyang si Regine, si Reg naman ay very proud sa kanyang avid fan, na ngayon ay biggest star na ng bansa at ka-share niya ng billing sa concert.
***

Regine-Ganda pang-Semana Santa ang hitsura

In all fairness ay ang ganda ng boses ni Regine sa “The Songbird and the Songhorse” at parang bumabalik na ‘yung dati niyang vocal power.

Maganda ang epekto ng “ASAP Natin ‘To” kay Regine dahil regular niyang nagagamit ang kanyang vocal chords kaya keri na niya ulit ang mga taas-taasang birit.

Applauded ang medley niya ng “Sana Maulit Muli,” “Ikaw” at “Ikaw ang Lahat sa Akin.” Flawless ang rendition niya ng “Ikaw ang Aking Mahal” na theme song ng “The General’s Daughter.”

Parehong ­fashionista sina Regine at Vice kaya mala-fa­shion show ang mga pa-outfit nila sa show. May mga pakorona pa sila sa ulo, kaya sabi ni Vice ay Valentine ang show nila pero pang-­Semana Santa ang itsura nila.

Laswa kung laswa ulit si Vice sa monologue niya after siyang sayaw-sayawan ni Zeus Collins habang kumakanta siya na may kasamang emote.

Kiyemeng kinuwento ni Vice ang mga ­naging dyowa niya, na may tambay, tricycle driver, jeepney driver, MMDA, bank teller, engineer at doktor, pero waley siyang binanggit na basketball player.

Ani Vice, pinagpasa-pasahan na siya ng iba’t ibang lalaki kaya ang luwang-luwang na raw niya. Ang lakas ng tawanan sa mahalay na kuwento niya kung paano siya tirahin sa puwet ng mga lalaki niya.

Nakaupo sa front row si Karla Estrada kaya maging ito ay pinagtripan ni Vice at tinanong ng, “Saan n’yo ginawa (ni Rommel Padilla) si ­Daniel?!”
Laugh trip ‘yung palitan ng mga hits nina Regine at Vice, na kinanta nila ang mga respective hit song ng isa’t isa. Havey ang sariling version ni Reg ng “Boom Panes” at “Whoops Kiri.”

Dream come true para kay Vice ang gabing ‘yon, na mala-“Bituing Walang Ningning” daw sila ni Regine. Ang kaibahan lang daw ay mahal siya ng idol niya dahil ang bituin na tinitingala niya ay yumuyuko para magpa­hawak sa kanya.

Nagtayuan na ang audience para maglapitan sa harapan habang nag-e-­encore number sina Regine at Vice, na parehong naka-sexy costumes na mala-swimsuit kaya ang tawag dito ni Reg ay pa-panty ni Meyor!