Abante Tonite Interactive

Mahalin ang pamilya, kapwa, Diyos – Blackwater owner Sy

337

Habang naka-break ang PBA, kanya-kanyang paraan ang 12 ballclubs para umayuda sa mga naapektuhan ng coronavirus disease 2019.

Mula sa pagkain hanggang personal protective equipment, sa mga mamamayan at sa frontliner, ipinaparating ng teams ang tulong.

Buong bansa ang ayuda ng San Miguel Corp. – may-ari ng San Miguel Beermen, Ginebra at Magnolia.

Nationwide din ang pinaabutan ng tulong ng Manny V. Pangilinan group ng TNT KaTropa, Meralco at NLEX, gayundin ang Phoenix ni Dennis Uy.

Ang Alaska Aces, namigay ng Alaska Milk sa mga sundalo na nasa quarantine assistance stations sa NCR.

Namudmod ang Blackwater Elite ng 36,000 pieces ng Deo Soap at anti-bacterial Deo Splash sa Caloocan.

“This coronavirus pandemic shows money is not the most important thing,” ani Blackwater owner Dioceldo Sy. “It’s our heart to love our family and others and love God.”

Nag-donate ng relief goods at nag-disinfect sa ilang lugar sa Sta. Ana, Maynila ang Columbian Dyip.

Sina Rain or Shine co-owners Raymund Yu at Terry Que, nag-abot ng financial assistance sa mga frontliners bukod pa sa mga sako-sako ng bigas.

Medical supplies at groceries ang pinamigay ni NorthPort team owner Mikee Romero, at bilang kinatawan ng 1Pacman party list ay pinangunahan din ang kapwa-party list representatives sa Kongreso para mamili at mamigay ng medical supplies sa 30 ospital sa NCR. (Vladi Eduarte)

Tonite – Wendys Inhouse Ad