Abante Tonite Interactive

Mahanging mambabatas mahilig sa electric fan

332

Ilang beses daw naglabas-masok sa session hall ang staff ng isang solon sa kalagitnaan ng kanilang hearing para ilang ulit na ibalik ang electric fan sa tabi ng kanyang amo.

Ang kuwento, hiniling daw ng isa sa mga babaeng kasamahan ng mambabatas na patayin ang aircon sa session hall dahil sadyang nilalamig na ito.

Dahil dito, inatasan ng ating bida ang kanyang staff na magdala ng electric fan sa kanyang tabi.

Abante Hiring – IT dep

Makalipas naman ang ilang minuto, ang mga lalaking mambabatas naman ang nainitan nang husto kung kaya’t muling pinabuksan ang aircon.

Dahil dito, pinakuha na ni Mr. ­Solon ang electric fan at pinabalik sa kanyang opisina.

Subalit, muling nagreklamo ang lady solon sa matinding lamig kaya’t pinapatay ulit ang aircon kaya’t balik na naman ang electric fan sa ating bida.

Clue: Ang ating bida ay may pagkamahangin din dahil kasama ito sa kanyang mga role sa dati niyang trabaho.