Abante Tonite Interactive

Maharlika gustong ipalit sa Pilipinas ni Duterte

By
483

Nagpahayag ng interes si Pangulong Rodrigo Duterte na palitan ang pangalan ng Pilipinas at gawin itong Maharlika.

Ginawa ni Duterte ang pahayag­ sa isang agrarian reform event sa Maguindanao kahapon, Pebrero 11, 2019.

“Philippines because it was discovered by Magellan using the money­ of King Philip (II of Spain), kaya pagdating ng ulol ginawang­ Philippines. Pero okay na ‘yan, balang­ araw pa­litan natin,” bahagi ng pahayag ni Duterte.

Sinabi pa ni Duterte na sang-ayon­ siya sa panukala ni dating President Ferdinand Marcos na palitan ang pangalan ng bansa.

“Actually, tama si Marcos, panahon ni Marcos, tama talaga si Marcos. Gusto niyang palitan ‘Maharlika’, the ‘Republic of Maharlika’ because ‘Maharlika’ is a Malay word and it means more of a concept of serenity and peace. Tama si Marcos noon,” dagdag ng Punong Ehekutibo.

Taong 2017 nang ihain ni Magdalo-Party List Representative Gary Alejano ang House Bill No. 5867 na naglalayong lumikha ng komisyon para tingnan ang posibilidad ng pagpapalit ng pangalan ng Pilipinas.