Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mahihirap na LGUs titiyaking mababakunahan

0 58

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na sisiguruhin ng national government na lahat ng mahihirap na local government units (LGUs) sa bansa ay makakatanggap ng COVID-19 vaccines para sa kanilang mga residente.

Ayon kay DILG Usec at Spokesperson Jonathan Malaya, malaking pondo ang inilaan ng Kongreso sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 upang masigurong lahat ng lokal na pamahalaan ay mababahagian nito.

Ipinaalala rin ni Malaya na ang pagbili ng mga bakuna ng mga LGUs ay augmentation o karagdagan lamang sa bibilhing bakuna ng national government.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dagdag pa niya, walang dapat na ikabahala ang mga maliliit at mahihirap na LGUs, dahil may pondo man sila o wala ay magkakaroon ng national vaccination program ang pamahalaan sa kanilang lugar.

Tiniyak pa ni Malaya, ang mga bakunang ipapamahagi nila sa mga mamamayan ay dumaan sa vaccine expert panel at aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

“Hindi naman tayo totally reliant sa LGU na kung matandaan natin sa 2021 budget may malaking pondo ang nilaan ng Kongreso for vaccine procurement. Gusto ko lang i-emphasize na itong procurement ng LGU e augmentation lang po ito whether or not may pondo ang LGU, may national vaccination program ang ating pamahalaan,” paliwanag ni Malaya. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.