Abante Tonite Interactive

Mahika ni Reyes, muling ikukumpas

1,247

Hindi pa handang magretiro ang 63-year-old Pinoy billiards legend na si Efren ‘Bata’ Reyes, susubukang ikumpas muli ang kanyang mahika sa paglahok sa kauna-unahang Dubai 10-Ball Championship sa Oktubre.

Bibigyan ng wildcard entry si Reyes, tinagurian ding ‘Magician’ at tubong Angeles City sa Pampanga, para sa Dubai open tournament na may cash prize na US$100,000.

Kinilala si Reyes bilang greatest pool player of all time ng Pilipinas dahil sa mga inuwing kampeonato sa mahigit 70 international championships.

Tinuturing ding greatest living pool player in the world si Reyes ng mga professional pool player sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sasargo ang open tournament sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2.