Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mahika ni ‘Spo’ patok

0 87

Susi sa panalo nang naghabol ng 17 points sa first half na Miami Heat sa Game 2 ng 74th NBA 2019-20 Eastern Conference finals ang desisyon ni Fil-American coach Eric Spoelstra.

Abante na ang Heat ng 2-0 sa best-of-seven series ang kalusin ang Boston Celtics, 106-101, nitong Biyernes (Manila time) sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

SM food to go Banner Ad

Inalaty si All-Star big man Bam Adebayo sa unang dalawang quarter sa tinapos na apat na puntos lang, pero, kinausap ni two-time NBA champion coach Spoelstra si Adebayo sa break, giniit na dapat maging agresibo pa rin sa second half dahil gagamitin pa niya ang player.

“Coach came up to me in the third [quarter] and was like, ‘I need All-Defensive Team Bam,'” kuwento ni Adebayo. “And from there, I had to start it on defense, and then my offense started flowing with it. So I give all credit to Spo.”

Maging si Jimmy Butler ay pinuri si Spoelstra sa maayos na paggabay sa kanilang team. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.