Abante Tonite Interactive

Mahilig sa pet kaya mukha na ring hayop

659

Magandang araw. Nakakatuwa ang column ninyong ito. Kaya hindi ko hahayaang hindi ako ma­ging parte nito.

Sobrang stressed na kasi ako sa kapitbahay namin dito sa Kamuning, Quezon City.

Huwag na natin lagyan ng street baka aba­ngan ako ng mga anak niya na mga maton, hehe.

Ako nga pala si Trining, 39 years old, wala pa ring asawa kaya ang mga kapitbahay ko ang madalas kong bantayan.

Ok mapunta pala tayo sa gusto kong i-blind item. Sila ang pamilya Corpuz na mapagmahal sa mga hayop.

Marami silang pets, doggie, cats, hamster, rabbit at fish.
Hindi ba ang bongga nila?

Pero my God, ang hindi ko magustuhan sa pamilyang kapitbahay ko ay ang kadugyutan nila.

Hindi sila marunong maglinis ng house, kaya tuloy kaming mga kapitbahay nila ay nandidiri na.

Imagine dadaan ka lang ay talagang hindi mo masisikmura ang amoy ng bahay nila.

Pinaghalong dumi at ihi ng kanilang mga alaga, kaya ma-took mo ba ang mga amoy na ‘yan?

Maraming beses na naming silang nireklamo sa barangay. Puro hearing ang nangyayari, susunod­ kanya nga lamang pagkalipas ng ilang linggo ay balik na naman ang mabaho nilang pa­ligid.

Salamat Abante at sana ay mabasa naman nila ito dahil nakakagigil na talaga sila puro oo pero parang hangin lang na dumaan sa tenga nila ang mga sumbong naming mga kapitbahay nila.

Ang inyong kapitbahay,
Trining