Abante Tonite Interactive

Mahilig sa sex chat si volley girl

By
2,562

Madalas na makikitang kinikilig at napapangiti nang husto kapag nagpapahinga ma­tapos ang ensayo o pansamantalang nasa break ang koponan, habang hawak ang kanyang celfone itong si volley girl.

Kakaiba ang kanyang ngiti kapag may pinipindot sa kanyang celfone at madalas na hinihinaan niya ang tunog kapag may dumadating na sunod-sunod na mensahe.

Kilalang mahinhin, bagaman moderno si volley girl at hindi mo iisipin na mahilig pala itong makipag-usap tungkol sa iba’t ibang mga paraan para pribadong makapag-usap at pakikipagkita sa pamamagitan ng paggamit sa celfone.

Minsan ay nakalimutan ni volley girl na itago sa loob ng kanyang bag ang celfone habang nasa kalagitnaan ng ensayo kaya nakalantad ang iba’t ibang litrato ng parte ng katawan ng kanyang ka-chat habang abala siya sa paglalaro sa gitna ng court.

Maliban sa maiinit na palitan ng mga kung ano ang kanilang mga gustong gawin ay nalantad din ang pribadong bahagi ng ka-chat ni volley girl.

Kaya pala bago magsimula ng laro ay tutok na tutok sa kanyang celfone si volley girl para kapag ipinasok na siya sa loob ng court ay hot na hot na siya at puro matutulis na palo ang paborito nitong hatawin.

Salatin niyo na, may letrang ‘b’ sa kanyang pangalan as in batak na batak sa kaka-chat!