Abante Tonite Interactive

Mahinhing aktres ‘pindot’ ang bisyo

By
0 227

Hindi makapaniwala ang marami na may kakaibang bisyo pala ang aktres na ito. Mahinhin kasi ang dating niya. Tipong hindi makabasag ng plato ang drama.

Nagsusugal pala ito. Minsan sa pagpunta niya sa isang lugar para pumindot, wala siyang kaalam-alam na may dadatnan siyang mga reporter na ganu’n din ang bisyo.

Hindi alam ng aktres kung ano ang kanyang gagawin, nabigla at nataranta.

Abante Hiring – IT dep

Hindi masamang magsugal dahil pera naman niya ‘yun. Natawa ang aming source nang biglang isaklob ng aktres ang suot niyang damit sa mukha para hindi siya makita, pero nasukol na nga ang magaling din namang aktres. Nagpaliwanag pa ito na dumaan lang daw siya sa nasabing lugar dahil malapit dun ang location ng shoot ng pelikulang ginagawa.

Nagkataon daw kasing nag-aayos pa sa set at para hindi ito mainip, pinagbigyan ang bisyo.

Siyempre, sinakyan na lang ng mga reporter ang drama niya, nagtawanan ang lahat at nagpatuloy sa pagpindot. Mabuti na lang, nanalo ang aktres, at nag-gave siya ng balato kaya hindi naisulat ang pagpunta niya sa nasabing lugar.