Abante Tonite Interactive

Mahirap kumita ‘pag may LQ — Kris

By
2,216

Once again ay sinagot ni Kris Aquino ang mga tanong ng mga netizen sa kanyang Instagram account habang nasa ibang bansa siya (nagpunta siyang Hong Kong at pagkatapos ay dumiretso sa Malaysia) last July 14.

Kahit pangatlong pa-Q&A na ni Kris ito in a week’s time, tila hindi nauubusan ng tanong ang kanyang mga follower at napakarami pa rin nilang gustong ma­laman mula sa kanilang idolo.

This time, naitanong naman kay Kris kung kumusta ang relasyon niya kay Harlene Bautista na kapatid ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

“So how are you and Ms. Harlene Bautista? Describe your friendship and closeness and also I just want you to know that I’ve watched na ILYH 4 times 2 nung Wednesday then 1 nung Friday and 1 kanina and I’m so proud of you you’re so galing. super nakaka proud to be a fan of yours,” ang tanong/komento ng netizen.

And Kris replied, “grabeng love yan- thank you. I super appreciate @harlenebaubecause she is so REAL & super supportive. In a perfect world she’d be the best sister in law i could ever wish for.”

May tanong kung posible bang magkaroon sila ng friendly date ng kaibigan niyang lawyer na si Atty. Gideon Peña at ipinaliwanag naman ni Kris kung anong relasyon meron sila.

“We are already wor­king together in a professional capacity & he’s already going to be reading some of my contracts- so i have this rule that business relationships last longer when everyone stays professional. Mahirap kumita pag may LQ. Thank you sa effort manuod,” ang sagot ni Kris.

Natanong din siya kung kailan ulit siya mapapanood sa isang TV show at ibinalita naman ni Kris na soon daw ay magkakaroon daw siya ng streaming show sa Iflix.

When asked kung sino pa ang gusto niyang makasama kung bibigyan pa siya ng pelikula ng Star Cinema, ani Kris ay sina Piolo Pascual at Bea Alonzo raw.

“Kahit hindi Star Cine­ma. @piolo_pascual would be a dream come true for all my sisters & me. For all actresses- @beaalonzo, kahit konting eksena lang- every time i watch her i am transported into her character’s world,” ang reply ni Kris.

Nagpapa­salamat naman ang aktres sa lahat ng mga nanood at nagbibigay ng magandang review sa movie niyang ‘I Love You Hater’ with Joshua Garcia at Julia Barretto na kasalukuyang palabas sa mga sinehan.

Meg, Roxanne walang isnaban

Natawa si Meg Imperial nang matanong sa presscon ng ‘Jacqueline Comes Home (The Chiong Story)’ ang tungkol sa away nila ni Roxanne Barcelo na kasama naman niya sa pelikulang ‘Abay Girls’.

“Okay po kami ni Ro­xanne,” ang paglilinaw ni Meg. “I guess, that’s just a misunderstanding.­ Of course, rumor is rumor. You’ll never know na kapag napasa na ang isang message from ano­ther one, medyo may changes.

Basta ang importante raw ay nag-uusap silang dalawa at bago nila sini­mulan ang movie at sinigurado raw niya na okay sila dahil nga mag-best friends ang role nila sa pelikula.

“Nun’g nasa Misibis po kami during our shoo­ting, nagkakakuwentuhan kami. She’s really a nice person to talk to. Sobrang kalog, sobrang bubbly. At lahat kami sa set, all the girls, sina Kylie (Versoza), sobrang natutuwa rin kami kay Roxie, so walang akwardness sa shoot,” pahayag pa ni Meg.

Kasama rin nila sa naturang pelikula sina Cristine Reyes at Nathalie Hart na kinunan pa sa Bicol ang mga mahahalagang eksena.

Nagsimulang lumutang na may away ng dalawang aktres nang i-reveal ni Roxanne sa isang interview last year na may younger actress na nang-bully sa kanya at ayon sa ispekulasyon, si Meg daw ang tinutukoy nito.

Anyway, dito sa Jacqueline Comes Homes naman ay si Donnalyn Bartolome ang kasama ni Meg na puring-puri naman niya dahil napaka-professional daw na aktres.

“She’s a good actress,” sabi ni Meg kay Donnalyn, “ngayon ko lang siya nakatrabaho sa pag-arte, nakakasama ko siya sa mga events, but this one talaga, I noticed ‘yung professionalism niya, and kapag nandu’n na ‘yung emotional scene, sobrang tahimik na talaga siya and then, nag-aano na siya.

“Tapos ‘pag iiyak, kakapitan ko na siya. Ibinibigay niya talaga ‘yung lahat niya. Sobra.”

Showing na sa July 18 ang ‘Jacqueline Comes Home (The Chiong Story)’ mula sa direksyon ni Peach Caparas, anak nina Carlo J. Caparas at yumaong Donn Villa.