Abante Tonite Interactive

Mahirap tapatan si Gen. Eleazar

437

Jeany Lacorte

Kapag matino kang lider hindi ka talaga maiitsapuwera.

Katulad na lamang ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Police Maj. Gen. Guil­lermo Eleazar.

Mula sa pagiging hepe ng Quezon City Police District (QCPD) ay na-promote si Gen. Eleazar sa Mimaropa kung saan ay ipinakita niya ang husay sa pamumuno sa dami ng accomplishment kahit sa maiksing panahon lang ng pamumuno dahil kinaila­ngan na siyang ilipat sa NCRPO kapalit ni Gen. Oscar Albayalde na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinuno ng Phi­lippine National Police (PNP).

Kaya sa nalalapit na pagretiro ni Gen. Albayalde, hindi na nakapagtatakang masama uli sa pagpipi­lian si Gen. Eleazar.

Sabagay, lalayo pa naman ba si Pangulong Duterte at Gen. Albayalde ng pipiliin?

Subok na ang pamumuno ni Gen. Eleazar dahil kinaya niyang ayusin ang maraming kontrobersyal na isyu katulad ng pakikipagnegosasyon sa mga aktibista na nagdaos ng kilos-protesta noong SONA ng Pangulo.

Maging ang mga kontrobersyal na isyu sa tokhang dahil sa anti-illegal drugs campaign ng gobyerno ay matagumpay na naitawid ni Gen. Eleazar.

Bukod pa siyempre sa puspusang clean­sing drive ng opis­yal para malinis ang hanay ng PNP at na­ging epektibo naman dahil sa mataas na tiwala ng publiko sa heneral sa mga ginagawang survey.

Sa katunayan, mukhang sa pamumuno ni Gen. Eleazar lamang nanumbalik ang tiwala ng taumbayan kaya nagkaroon ng lakas ng loob ang iba nating kababayan na ipagbigay-alam sa PNP ang nasasaksihan nilang krimen kaya’t matagumpay na nareresolba ang karamihan sa nangyayaring krimen.

Kaya sa iba pang contender sa pagka-PNP Chief na sina directorial staff chief Police Lt. Gen. Camilo Cascolan at deputy chief for operations Police Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa good luck na lang mga sir!