Abante Tonite Interactive

Mahusay ang pagiging neutral ni Digong sa Speakership

396

Malinaw na ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos niya sabihin sa isang event noong nakaraang araw na mananatili ang kanyang desisyon na hindi makikialam sa mainit na labanan para sa susunod na House Speaker sa halip ay magiging neutral ang Punong Ehekutibo.

Ayon kay Dr. Paul Martinez, mahusay ang ginawa ng Pangulo na maging neutral at bigyan ng pagkakataon ang mga congressmen na pumili sa gusto nilang maging House Speaker sa Kamara.

Ang kailangan mo sa Kamara ay isang leader na mahusay, dahil hindi on-the-job trainee o ojt ang trabaho diyan ayon naman kay Alan Peter Cayetano.
Dagdag pa niya, tama ang sinabi ni Dr. Paul Martinez, hindi kailangan ng bagito at madaling makudeta sa Kamara.

Tinutukoy ni Dr. Martinez si Allan Lord Velasco na tanging qualification maliban sa baguhan na mambabatas ay ang pagiging close umano niya sa pamilyang Duterte.