Abante Tonite Interactive

Maikling eksena ng aktres pinatagal sa shooting

By
614

Natawa kami sa pambubuking ng isang cast member (CM) sa controversial celebrity (CC) na gumawa ng isang international project recently.

Major part ng nasabing project na kinunan abroad ang foreigner na si CM at benta sa amin ‘yung hirit niya na, “It’s hard to forget her!” patungkol kay CC.

Paano ba naman, maiksi lang ang participation ni CC sa international project na ‘yon, pero inabot nang matagal ang eksena nito.

Either hindi makuha-kuha ni CC ang kanyang three-liner lang naman na dialogue o sinadya niyang patagalin ito para maramdaman ng lahat sa set ang kanyang presence.

In fairness ay nag-work ang drama ni CC dahil si CM mismo ay hindi siya makalimutan. Kasi nga ay kumain ng production time ang kakapiranggot na partisipasyon na ‘yon ng controversial celeb.

May narinig pa kaming tsika na si CC is pulling all strings para maisama siya sa presscon ng nasabing international project.

Si CM ay sure na ka-join sa press junket dahil major ang kanyang role, pero hindi si CC na cameo o special appearance lang naman at sasaglit lang sa screen.

Chance na ito ni CC na gumawa ng eksena in a majorly bonggang way, kaya gagamitin niya lahat ng powers niya para ma-achieve ang goal niya na ‘yon.

Kung siya ang masusunod ay magdadala pa siya ng sarili niyang crew para tutukan at sundan-sundan siya kahit saan magpunta.

Kaya lang ay wala siya sa sarili niyang teritoryo at iba ang mga ganap at patakaran sa mundong ‘yon.

Tingnan natin kung uubra ang mga kagimikan at papansin moves ni controversial celeb!