Abante Tonite Interactive

Mailap na hustisya sa pinaslang na padre de pamilya

344

Nang maisampa naman sa piskalya ang usapin, pansamantalang itinigil ng kapulisan ang pag-TUGIS sa magkapatid na Bautista dahil nasa kapangyarihan na ng tagausig ang kaso at kinakailangan muna nilang maghintay ng ilalabas na warrant of arrest ang hukuman upang mapasimulan na muli ang paghahanap sa nakakalaya pang suspek.

Nagbigay naman ng kontra-salaysay si Fabian sa pamamagitan ng kanyang abogado matapos itakda ng piskalya ang pagdinig sa usapin.

Matapos ang mahaba ring panahong ginugol ng tagausig sa pagrepaso sa usapin, nakakita sila ng sapat na ebidensiya upang isampa sa hukuman ang kaso lalu na’t hindi na rin nagpakita sa tanggapan ng piskalya ang magkapatid na Bautista na palatandaan ng pagkakasangkot nila sa pagpatay at pagta­ngay sa sasakyan ng biktima.

Nang i-raffle ang kasong carnappping with homicide laban sa tatlong akusado, bumagsak ang usapin sa sala ni Cabanatuan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Angelo C. Perez ng Branch 27 na kaagad naglabas ng warrant of arrest laban sa ­magkapatid na naging daan upang muling isagawa ng pulisya ang pag-TUGIS laban sa kanila.

Gayunman, sa kabila ng puspusang pag-TUGIS na isinagawa ng kapulisan, bigo silang madakip ang magkapatid na Bautista hanggang sa itakda ng ­hukuman ang pagbasa ng demanda laban kay ­Fabian Urzais.