Abante Tonite Interactive

Mailap na hustisya sa pinaslang na padre de pamilya

177

“Not guilty” ang inihain ni Fabian nang basahan siya ng sakdal sa sala ni Judge Perez kaya’t itinakda ng hukuman ang pagpapatuloy ng paglilitis laban sa tatlong akusado sa kabila ng patuloy na paglaya ng dalawa pang sinampahan ng kaso.

Sa kanyang depensa, sinabi ni Fabian na noong buwan ng Oktubre ng taong 2002, nakipagkasundo siya sa magkapatid na Alex at Ricky Bautista hinggil sa bibilhin niyang isang owner-type jeep sa dalawa na nagkakahalaga ng P60,000 na kanyang gagamitin sa kanyang pagnenegosyo.

Nobyembre 13, araw ng Miyerkules, pasado alas-3 ng hapon nang dumating sa kanilang tirahan ang magkapatid, sakay ng isang kulay forest green na Isuzu Highlander at pinagbibigay lang muna siya ng paunang bayad na P60,000 at ang kapupunan ay babalikan na lang nila sa susunod na araw.

Sinabi ni Fabian na bagama’t nagtaka siya dahil sa halip na owner-type jeep ang dinala sa kanya ng magkapatid, isang bagong modelong sasakyan na mura lamang ang halaga ang dineliver sa kanya kaya’pumayag na rin siya kapalit ng kasunduang babalikan na lamang ang balanse ng kabuuang bayad.

Nang magtungo siya sa bahay ng kanyang kaibigan na si Oscar Angeles na naninirahan din sa AGL Subdivision na laging nagpapagawa sa kanya ng computer noong Nobyembre 16, araw ng Sabado, naikuwento niya rito ang binili niyang bagong Isuzu Highlander sa murang halaga sa magkapatid na Bautista.

Nang matunghayan ni Oscar ang bagong sasakyan ni Fabian, pinayuhan kaagad niya ang kaibigan na i-surrender ito sa awtoridad dahil baka kabilang ito sa mga nakaw o “hot car” dahil kaduda-duda ang napakamurang halaga.