Abante Tonite Interactive

Mailap na hustisya sa pinaslang na padre-de-pamilya

137

Nagdalawang-isip naman si Fabian na i-surrender ang sasakyan dahil nanghihinayang siya sa salaping ibinayad niya sa magkapatid, bukod sa nakagawa na rin siya ng paraan na mangutang sa isa pang kaibigan bilang pambayad sa kapupunang halaga.

Nang hindi na bumalik ang magkapatid na Bautista para kunin ang kabuuang bayad sa sasakyan, ipinasiya niyang tawagan ang dalawa sa kanilang mobile phone subalit hindi na niya ma-kontak ang mga ito.

Upang mabawi ang salaping ibinayad sa magkapatid, ipinasiya ni Fabian na ibenta na lamang sa iba ang sasakyan at pansamantala niyang binaklas ang plaka sa takot na masita kung totoo nga itong “hot car” at nilagyan niya ang likurang bahagi ng cardboard na may nakasulat na “for sale”.

Sa kanyang pahayag sa hukuman, sinabi ni Fabian na noong Nobyembre 18, araw ng Lunes, nagpasiya siyang i-surrender na lamang ang sasakyan sa pulisya matapos payuhan pa ng isang kaibigang babae.