Abante Tonite Interactive

Mailap na hustisya sa pinaslang na padre-de-pamilya

146

Gayunman, pag-uwi niya bandang hapon sa kanilang bahay sa AGL Subdivision, naroon na ang mga tauhan ng Sta Rosa, Nueva Ecija Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pangunguna ng isang Alex Villareal at ina­resto siya sa kasong carnapping.

Nang dalhin siya sa headquarters ng CIDG ay doon na lamang niya nalaman na pinaslang ang tunay na nagmamay-ari ng nabili niyang sasakyan sa magkapatid na Bautista.

Inamin din ni Fabian sa hukuman nang isailalim siya sa pagtatanong ng tagausig na ang tunay niyang pangalan ay Michael Tapayan y Baguio at nagpasiya lamang siyang baguhin ito dahil nais niyang makakuhang muli ng bagong pasaporte upang makabalik sa pagtatrabaho sa bansang Taiwan.

Naging testigo rin ni Fabian ang kanyang kaibigan at kapitbahay na si Oscar na nagpahayag sa hukuman na nakilala at naging kaibigan niya ang akusado dahil nagsisilbi ito bilang computer technician sa kanila, Inamin din ni Oscar sa korte na Michael Tapayan at hindi Fabian Urzais ang pagkakilala niya sa kaibigan.

Ayon kay Oscar, wala naman talagang sasakyang pag-aari si Fabian kaya’t nang sabihin sa kanya na nabili niya sa murang halaga mula sa mga kaibigang taga-Bulacan ang Isuzu Highlander, pinayuhan niya ang kapitbahay na i-surrender na lang ito sa awtoridad dahil posibleng carnapped vehicle ang ibinenta sa kanya.