Abante Tonite Interactive

Mailap na hustisya sa pinaslang na padre-de-pamilya

233

Idinugtong pa ni ­Oscar na una’y ala­nganin pa ang kaibigan na ­isuko sa pulisya ang sasakyan dahil nanghihinayang siya sa salaping ­ibinayad sa magkapatid subalit ­kalaunan ay ipinasiya na ring i-surrender ang sasakyan.

Ang depensa ni ­Fabian ay taliwas sa mga ipinahayag sa hukuman ng testigo ng tagausig na si SPO2 ­Figueroa na nada­kip nila ang ­akusado sa inilatag na checkpoint sa labas ng AGL Subdivision noong Nobyember 20 habang minamaneho ang sasak­yan ng pinaslang na si Mario Magdato at ­nabawi pa rito ang baril na ginamit sa pamamaslang.

Matapos ang mahabang panahon ng paglilitis, napatunayan ng mababang hukuman na walang dudang nagkasala sa kasong carnapping with homicide si Fabian Urzais batay sa resolusyong inilabas ni Judge Angelo Perez ng Cabantuan RTC Branch 27 noong ­Oktubre 18 2010 at pinatawan siya ng parusang reclusion ­perpetua o 40-taong pagkakabilanggo.

Inatasan din ni Judge Perez si Fabian na magba­yad sa pamilya ng ­biktima ng kabuuang halagang P772,000 bilang bayad pinsala, kasama na ang nawalang kita ng pinaslang.

Kaagad namang naghain ng apela ang ­akusado sa Court of Appeals (CA) noong Disyembre 22, 2010 na humihiling na baligtarin ang naunang kautusan ng mababang hukuman.

Halos dalawang taon ang lumipas nang maglabas ng desisyon ang appellate court noong Nobyember 19, 2012 na kumakatig sa naunang desisyon ng Cabanatuan RTC na nagpapataw ng parusang ­reclusion perpetua laban kay Fabian.