Abante Tonite Interactive

Mailap na hustisya sa pinaslang na padre-de-pamilya

191

Nagkakaisang inila­bas nina CA Asso­ciate Justices Jose Reyes, Mario Lopez at Socorro Inting ang pagsang-a­yon sa naunang desisyon ng mababang hukuman na bagama’t ibinatay lamang ang hatol sa “circumstantial evidence” o ang uri ng ebidensiya na hindi direktang nagpapatunay na ang akusado ang may kagagawan ng pagpaslang subalit tumutukoy sa posisyon ng usapin.

Tulad ng naunang desisyon ng mababang hukuman, ibinatay din ng mga mahistrado ng CA ang pagkatig sa hatol laban kay Fabian matapos mapatunayan na ang sasakyang pag-aari at gamit ng pinaslang na biktima ay nabawi sa kanya ng mga awtoridad, pati na ang baril umano’y ginamit sa pamamaslang.

Hindi nasiraan ng loob si Fabian sa kabila ng pagkatig ng CA sa hatol kaya’t inapela muli ng kanyang abogado ang usapin sa Mataas na Hukuman.
Noong Agosto 12 2013, inatasan ng Korte Suprema sa pamamagitan ng inilabas ng resolusyon ang kampo ni Fabian at ang Office of the Solicitor General (OSG) na maghain ng kani-kanilang karagdagang depensa kung nais nila.

Nagpasiya ang abogado ni Fabian na magsu­mite ng maiksi at karagdagang depensa habang hindi na nagsumite ang OSG at sa halip ay inulit na lamang ang nauna nilang isinumite sa appellate court.