Abante Tonite Interactive

Mailap na hustisya sa pinaslang na padre-de-pamilya

231

Nagtaka rin ang Korte Suprema sa sinabi ng testigo na Nobyembre 3 pa lang ay nagsagawa na ng checkpoint ang kapulisan dahil sa natanggap na “flash alarm” hinggil sa tinangay na sasakyan gayung Nobyembre 12 iniulat ang pagkawala ng biktima.

Inamin din ng testigo ng tagausig na wala siyang personal na kaalaman hinggil sa nangyaring insidente ng carnapping na malaking puntos para sa akusado lalu na’t wala isang mang testigo ang lumutang na magsasabing nasaksihan niya ang pagpatay sa biktima.

Ayon pa sa mga mahistrado, tanging si SPO1 Figueroa lamang ang naiharap ng tagausig na nagsabing nasa pangangalaga ni Fabian ang nawawalang sasakyan ng biktima. Kahit anila totoo ang pahayag ng testigo na nabawi ang sasakyan sa akusado, wala namang tinukoy na siya ang nagnakaw nito at lalung hindi nasabi na siya ang pumatay sa biktima.

Sabi ng Korte Suprema, ang basehan para ipawalang-sala ang akusado ay ang makatuwirang pagdududa na ang ibig sabihin ay hindi sapat ang nai-prisintang ebidensiya ng tagausig upang patawan ng kaparusahan ang akusado.

Tungkulin ng tagausig na maghain ng malinaw at matibay na ebidensiya upang maging basehan ng makatotohanang desisyon dahil ang ganitong kabiguan ay manga­ngahulugan na dapat lamang ipawalang-sala ng hukuman ang akusado.

Magiging dalahin ng konsensiya ng hukuman kung papatawan ng parusa ang akusado at ubusin ang kanyang panahon sa loob ng piitan gayung inosente naman siya sa kasong ibinibintang sa kanya.

Sa huling pag-analisa ng Korte Suprema sa usapin, ang mga naiprisintang pangyayari ng tagausig kaugnay sa nangyaring krimen ay labis na kaduda-duda kumpara sa posibleng kasalanang nagawa ng akusado.