Abante Tonite Interactive

Mailap na hustisya sa pinaslang na padre de pamilya Part 6

234

Bukod dito, may mga sugat din sa iba’t ibang parte ng mukha ang biktima na tanda sinadyang pananakit at may paso sa magkabilang pisngi na mistulang dulot ng nakasin­ding sigarilyo.

Walang maisip na dahilan si Shirley kung ba­kit ginawa ang ganitong pagpapahirap sa kanyang mister lalo na’t wala naman siyang alam na kaaway ng asawa na magtatanim ng ganoon katin­ding poot sa biktima.

Nang mahimasmasan ng bahagya ang ginang, tinulungan siya ng mga kaanak at mga kasamahan sa hanapbuhay ni Mario na maasikaso ang bangkay ng mister upang maiuwi sa kanilang tirahan sa Pulilan, Bulacan.

Gumimbal naman sa maliit na bayan ng Sta. Rosa ang karumal-dumal na pagpatay kay Mario kaya’t sinimulan kaagad ng pinagsanib na puwer­sa ng Sta. Rosa Police, Cabanatuan City Police at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pag-TUGIS sa mga may kagagawan ng krimen.

Hiningan ng salaysay ni SPO2 Fernando Figueroa ng Cabanatuan Police Station Investigation and Detective Management si Shirley bilang panimula ng kanilang pagsisiyasat sa nangyaring krimen at dito nila nalaman na may minamanehong Isu­zu Highlander ang biktima bago nadiskubre ang kanyang bangkay.

Dahil dito, naglabas kaagad ng “flash alarm” ang Bulacan Provincial Police Office na kanilang ipinabatid sa Cabanatuan City Police Station at Nueva Ecija Provincial Police Office kaugnay na nawawalang kulay fo­rest green na Isuzu Highlander na may plakang UUT-838 na minamaneho ng biktima bago siya mapaslang at posibleng nasa pangangalaga pa ng mga salarin.