Abante Tonite Interactive

Mailap na hustisya sa pinaslang na padre de pamilya Part 8

259

Nakilala ang lalaking nadakip na si Fabian Urzais y Lanurias, isang dating overseas Filipino worker (OFW) sa Taiwan at residente ng AGL Subdivision.

Sinuri rin kaagad ng kapulisan ang loob ng sasakyang minamaneho ni Urzais at nakita sa loob nito ang isang pasaporte sa pangalan ni Urzais at dalawang plaka na may numerong UTT-838 kaya’t nakumpirma na pag-aari ito ng pinaslang na si Mario Magdato.

Bukod sa dalawang plaka, napansin din ng kapulisan ang bahid ng dugo sa gawing likuran ng upuan ng sasakyan at may mantsa pa ng dugo sa lapag o flooring nito.