Abante Tonite Interactive

Mailap na katarungan sa pagpatay sa gay dermatologist

Part 6

214

Posible aniyang nai-insecure si John Patrick dahil sa dami ng mga manliligaw ni Anne na sa tingin niya ay nakahihigit pa sa kanya kaya’t ganoon na lamang ang pagbabantay sa kasintahan.

Bagama’t tinutumbasan din ng dermatologist ang labis na pagmamahal sa kanya ng kasintahan, nahahalinhan ito kadalasan ng pagka-poot lalo na kapag pinagbibintangan siya ni John Patrick ng panlalalaki.

Naibahagi pa ni Anne sa kaibigan si Laser na kahit nasa loob siya ng kanyang klinika ay pinaghihinalaan siya ni Johan Patrick na may ibang lalaki.

Abante Hiring – IT dep

Dahil sa mga naging pahayag ng saksing si Andan, pati na ng kaibigan ng biktima na si De Guzman, napagtagpi-tagpi ni Insp. Monsalve ang mga pangyayari at ang posibleng may kina­laman si John Patrick sa nangyaring pagpatay.

Napag-alaman din sa pagsisiyasat ng pulisya na nagsimulang magkalamat ang matamis na pagmamahalan ng magkasintahan noon pang Disyembre ng taong 2012 matapos makatagpo umano ng panibagong pag-ibig si Anne sa katauhan ng ibang lalaki, bunga na rin ng pagkapuno niya sa sobrang pagkaseloso ng kasintahan.

Dito na nagsimula ang madalas na pag-a­away ng dalawa na kalimitan naman ay nauuwi rin sa muling pagkakasundo dahil na rin sa paghingi ng tawad ni John Patrict at sa pagpapaliwanag na labis-labis ang kanyang iniuukol na pagmamahal sa kasintahan kaya’t nawawala siya minsan sa wastong asal bunga ng panibugho.

Ayon kay Insp. Monsalve, dumating ang pagkakataon na nasagad na ng husto and dermatologist sa sobrang pagkaseloso ng kasintahan kaya’t nagpasiya na ang biktima na tapusin na ang kanilang relasyon.

Idinugtong pa ng batikang imbestigador ng CIDU na posibleng hindi matanggap ni John Patrick ang nais ng biktima na maghiwalay na sila ng landas lalo pa’t sa dermatologist lamang niya iniukol ang lahat ng kanyang pagmamahal.

Dahil na rin sa matibay na testimonya ng mga testigo, pisikal na ebidensiya at pinagtugma-tugmang mga detalye, sinimulan na ng pulisya ang pag-TUGIS kay John Patrick na inilagay na nila sa talaan bilang pangunahing suspek sa nangyaring pagpatay sa dermatologist.

Isa sa mga kaibigan ng magkasintahan ang nahingan ng ayuda nina Insp. Monsalve upang tumulong sa agarang pagkakadakip kay John Patrick.

Dahil may contact number ng cellular phone si John Patrick sa kanilang kaibigan ni Anne, nagawa nitong makipag-ugnayan sa suspek at nakipag-kasundo na magkita sila sa isang lugar kung saan nais ng dating kasintahan ng biktima.

Itinakda ang pagkikita ng dalawa noong Enero 13 nang hapon, araw ng Linggo, 2013 sa isang coffee shop sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City.