Abante Tonite Interactive

Maine-Arjo, Bianca-Ruru magkapiling ngayong Holy Week

1,401

Bakasyon grande ang mga taga-showbiz at makikita ang sari-saring mga ganap nila sa social media.

Wala pang post ang mag-sweetheart na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde, pero balitang magkapiling ang dalawa nga­yong Lenten vacay.

Saan kaya ang rampa ng ArMaine, na minsan nang nag-Taiwan nu’ng huling birthday ni Maine at balitang nag-Amanpulo na rin?

Abante Hiring – IT dep

Beach bonding kaya bilang summer at mahilig sa dagat si Maine? Or out of the country ulit para mas relaxed at malayo sa mata ng mga fan?

Gaya ng ArMaine, inaabangan din ang mga vacation post ng Kapuso lovebirds na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Ngayon ang punta ni Ruru sa Pangasinan para magrelaks with his family at inaasahang kasama nila si Bianca.

Walang inaamin si Ruru, pero sa mga post niya sa social media ay parang pinapa-obvious niyang sila talaga ni Bianca.

Tulad nu’ng topless selfie niya na ang gamit niyang fone ay may nakasulat na malaking ‘Bianca’ sa likod kaya super-react ang mga fan.

Nu’ng isang araw ay may post na naman siyang isang malaking rose, na after a day ay may post naman si Bianca na may hawak din na rose.

Bale take two na ito ng rose post ni Ruru nu’ng February­ na after a few days ay may post din si Bianca ng isang guy na may hawak na rose pero cropped ang mukha, na halata namang si Ruru.

Nu’ng isang araw ay may cheesy post ulit si Ruru na naka-smile habang may hawak na food, na ang isang kamay niya ay may ka-holding hands na hindi kita sa kamera, pero kita ang suot nitong singsing at ang caption niya ay, “Ganyan ang ngiti ko pag kasama kita.”

Na-gets agad ng mga netizen na si Bianca ‘yon dahil may isang IG post si Bianca na kitang-kita ang suot nitong singsing sa isang daliri.

Obvious na very inlabey ang dalawa, na si Ruru ay kulang na lang ay ipangalandakan nang magsyota talaga sila ni Bianca.

Irita tuloy sa kanya ang mga BiGuel fan dahil may Miguel Tanfelix nga naman na kapareha si Bianca sa ‘Sahaya’, tapos heto’t umeeksena si Ruru sa love team ng may love team.

Hopia pa rin kasi ang maraming BiGuel fan na sina Bianca at Miguel pa rin ang magkakainlaban, kaya hindi nila feel ang RuCa.

Eh kaso, mukhang ayaw ring paawat ng Kapuso hunk. Desidido ba talaga si Ruru na sirain ang BiGuel love team?

‘Pag ginawa niya ‘yon, baka talagang in love nga siya at handa siyang ipaglaban ang pag-ibig niya kahit may ibang ka-love team pa ito.

Taruzsh! Eh, paano naman si Miguel? Pang-TV lang siya at si Ruru ang pang-real life?! Kalerky!!
***

Kakai type kainin si Alden

Ang KathNiel ay mukhang hiwalay muna this Lenten season dahil nasa Hong Kong si Kathryn Bernardo at nagsu-shooting ng movie nila ni Alden Richards.

Pero baka bigla na lang sumulpot doon sa HK si Daniel bilang may pramis ito na dadalaw sa nobya nito.

May pinauso ang KathDen at ang Star Cinema na ‘Hello, Love, Goodbye’ Challenge habang nagsu-shoot sila sa HK na tipong pampabawas boredom din.

Everyday, nag-iiba ang category na ipu-post nila sa #HLGChallenge at in fairness ay panay naman ang post nina Alden at Kath sa kanilang IG Story.

Nakahanap ng bagong tropa si Alden sa co-stars niya sa movie na sina Joross Gamboa at Jeffrey Tam na madalas niyang ka-bonding doon sa set.

‘Pag walang shoot ay panay ang gala ng tatlo, kain nang kain at panay rin ang shopping. Masipag mag-FB Live si Jeffrey Tam kaya natutuwa sa kanya ang Aldenatics.

Chummy rin si Alden with Kakai Bautista na una niyang naka-work sa AlDub movie na ‘Imagine You & Me’.

Swit-switan ang AlKai at dahil komportable sa isa’t isa ay kaswal kung yumakap si Kakai kay Alden at ganu’n din si Tisoy.

Mukhang nanggigigil si Kakai sa kapogian ng Pambansang Bae kaya panay ang kiss niya rito.

Hirit tuloy ng mga fan, kotang-kota na raw si Kakai sa kakahalik kay Tisoy.

Mukha ring bet nang kainin ni Kakai si Alden dahil picture nito ang entry niya sa #HLGChallengeDay2 na ‘My Breakfast!’ Ha! Ha! Ha!
Eh ‘di ba, bawal ang karne ‘pag Semana Santa?! Charr!!!