Abante Tonite Interactive

Maine, Arjo keber sa galit ng mundo

762

‘Pag mahal mo talaga, you want to spend some precious and few moments with.

Sina Maine Mendoza at Arjo Atayde, nagbakasyon sa Osaka, Japan, nitong nakaraang linggo.

Kahit pa nga ang magkasintahan ay tipid na tipid dahil halos walang mga larawang ibinahagi sa kani-kanilang mga social media site, ang mga netizen ang parang naka-scoop sa pagsasama nila.

Sa mga nakita kong larawan, sa airport pa lang ay hindi nakaiwas at malugod na pinaunlakan ang mga nais magpakuha sa kanila.

Nakakatuwa ang magsing-irog, kahit busy ang Philippine Sweetheart sa “Isa Pa With Feelings” at si Arjo naman ay talk of late ang pangmalakasang pag-arte sa “The General’s Daughter”, they make it a point and work na magkasama silang dalawa.

Marami na rin silang rendezvous, abroad. Chronicled na magkasama sila sa Taiwan, Universal Studios Singapore, at Bali, Indonesia.

Ang mga kakarampot pang AlDub Nation followers, ano naman kayang mga bashing and hating ang plano nilang ibato at iparamdam kay Arjo?

Walang duda na hindi you and me against the world sina Menggay and Atayde at alam nilang travelling together makes them closer and intimate.

Sa relatively young lovers na ito, go ahead and fill this world with young love, sweet love.

***

Tekla baklang poser

Ipapalabas na daw sa mga sinehan sooner ang launching movie ni Super Tekla. Parang kalahating taon na yata ang chika na ipapalabas ang movie, mananalig pa ba tayo?

May impression na kasing nabintalawan at parang panis na kaya dapat mag-exert ng super extra efforts para nga mapanood ito.

Kung sakali namang true talaga ito, worth it naman kaya na bigyan natin ang lalaking nagpapanggap na bakla para mabuhay?

Yes my dear pink sisters, si Tekla ay baklang poser, pagpapanggap ang lahat kaya in fairness mahusay siya, huh! Marami ang kumbinsidong-kumsindo sa kanyang husay na pagpapanggap bilang bading kaya tiyak, marami pa rin ang ma-a-amuse at may “no way” o kaya mapapakamot sa ulo, sa taas siyempre, ang rumi-rumi niyo talaga. Hahahahaha!

He still prefers to make love with a woman. Hindi ko sure may sexual encounters na siya with men or kung may nanligaw na bang lalaki sa kanya o may GMA studlet na nag-cock tease at nag-try na bihagin ang kanyang baklang persona.

***

Vilma, Sharon, Maricel ‘di sinipot ang Sine Sandaan

Sumunod naman ang members of media sa pakiusap ng FDCP, ‘yun ay ang pananahimik sa mapapanood hangga’t hindi pa umeere ang “Sine Sandaan” event sa ABS-CBN.

‘Yung isa pa nilang request, na bawal mag-interbyu ng mga artista sa red carpet, siyempre hindi nagawa lalo na nga’t may mga photo posting na si Ara Mina ay kinapanayam tungkol sa nangyari kay Deborah Sun. Maging si Nora Aunor, who did a Marlene Dietrich kasi nga naka-barong ito at walang makeup.

Wala pa akong nakikitang mga larawan nina Vilma Santos, Sharon Cuneta at Maricel Soriano. Dapat kasama sila sa mga luminary dahil sa true lang tayo, together with Nora, silang apat ang last movie queens.

Sa “Magandang Buhay”, may pa-congratulations segment para kay Jolina Magdangal dahil ang tambalan nila ni Marvin Agustin, ay considered as an iconic love team.

Ang pangmalakasang tanong, ang payanig kayang ito ay talagang makakatulong para ang mga tao, sumugod sa mga sinehan para panoorin ang sampung pelikula sa Pista ng Pelikulang Pilipino? At magkano kaya ang ginastos for this event?