Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maine, Arjo ‘mag-asawa’ na

0 12,674

NI: ALWIN IGNACIO

Oo, tama ang basa niyo. Hindi iyan prediksyon mula sa perlas na bilog ni Manang Bola. At mas lalong hindi yan vibrations ni Madam Elma, ang infamous psychic na diumano ay kayang bumuhay ng bangkay.

Tiyak ang pagiging mag-asawa nina Philippine Sweetheart Maine Mendoza at dramatic Arjo Atayde sa pelikula pa lang naman, hindi pa sa totoong buhay.

Ayon sa diva that you love’s impeachable source, si Atayde ay napipintong maging bida sa isang biopic of an immensely popular politiko.

Pasok na sa banga ang magiging paslit, teen-ager at yun na nga, kung pagtatabihin ang choices ng mga artistang gaganap sa major phases of the politian’s life, talagang may uncanny resemblances ang tatlo at talagang perfect choice si Arjo para sa katauhang bibigyang buhay niya sa pelikula.

SM food to go Banner Ad

Dagdag pa ni impeachable source, ang mga powers that be, gagawin ang lahat na ang magiging maybahay ni Atayde sa paparating na pelikula ay ang kanyang kasintahan for real, si Mendoza.

Hindi daw decorative at pang-marquee name kaya isasama si Maine sa cast. Maganda ang pagkakasulat sa kanyang katauhan. Siyempre pa, hindi mahihirapan ang produksyon na magiung hubby-wifey ang kanilang vibe kasi nga totohanan at nasa in the right frame of emotions and mind ang kanilang pagmamahalam.

Naku, ang bongga nga na makitang mag-asawa ang gagampanan nina Atayde at Mendoza. Parang practice makes perfect na ito, hindi ba naman?

Mabuhay ang bagong kasal kaya ang isusunod na isisigaw ng kanilang mga tagahanga kung sakaling walang makakapigil sa kanilang roles as to love and to hold, till death do us part lovers sa pelikula?

Kaabang-abang at hindi kahikab-hikab na pangyayari, hindi ba naman? (Alwin Ignacio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.