Abante Tonite Interactive

Maine, Arjo magkapiling nu’ng Bagong Taon

748

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Sa mundo ng Twitter, may isang netizen na obviously hiding under the fictitious name of Jose Matalo at ang windang factor pa, ang profile picture na ginagamit ay sa comedian na si Atak.

May dalawang maintrigang pahayag ang pinakawalan nito, ang una, “How true @mainedcm na sinundo ka ni @AtaydeArjo lulan ng isang black BMW 2 door sa APT studios sa Cainta, Rizal ngayong ika 1 ng January 2019? At hinatid ka din daw kanina pagpasok mo. Happy fiesta!”

Ang kasunod, “That black sports car your fans claimed na kay Alden sa tapat ng condo mo ay lingid sa kaalaman ng fans mo, @mainedcm Ay kay Arjo. Tsk tsk.”

Kung babasahin mong maigi, concerned nga ba talaga itong si Matalo sa damdamin ng mga ‘di pa nalulupig ang pag-asang AlDub fans?

May pagnanasa ba siyang ang mga natitira pang panatiko ay magising na sa nagmumura at naghuhumiyaw na katotohanan tungkol sa mga gentlemanly ways ni Arjo Atayde na ginagawa para kay Maine Mendoza?

O, gusto niyang palabasin na talagang there is more than meets the eye between Mendoza and Atayde na sa aking pakiwari, wala namang masama lalo na nga’t bukas na aklat naman talaga ang katotohanan na nasa getting to know at suyuan stage ang dalawa, hindi ba?

Bagong taon na bagong taon, can we not just be happy for the two?

Tamang panahon na siguro para tanggapin na ang AlDub will never share a romance. Ito rin ang pagkakataon para kina Alden Ri­chards at Maine Mendoza to be happy sa kanilang personal lives at magpunyagi sa mga individual career nila.

Ang AlDub team up, dapat ma­ging John Lloyd Cruz or Sarah Geronimo o Cruz at Bea Alonzo tandem na hinihinog at hindi pinipilit ang pagsasama, pinag-iisipan talaga ang proyekto kaya nagiging “event” lagi ang “pagbabalikan” sa pelikula.

Mendoza did surprisingly well in Jack Em Popoy at may undeniable chemistry sila ni Coco Martin. Kaya nga the ball is in Richard’s court now, he needs a new film project na puwedeng hindi partner dependent para maipakita niya sa lahat na he is still in the running sa mahusay na actor race.

Sa namumuong pagsasamahan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde, God bless you, at nawa’y ang new forever niyo, ito na ang simula.

Balik-tambalang Bianca, Miguel nabantilawan kay Ruru

Speaking of simula, tatlong television program na ang ipinangangalandakan at pinagsisigawan sa Kamuning station.

Ang kanilang paandar, “Get ready to be enthralled by the newest primetime offerings of GMA. Discover the purpose of their journey. Be inspired by their cou­rage to fight for what they stand for. And experience their pursuit for happiness and love.”

Balik-tambalan sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa Sahaya with matching Migo Aldecer. Ang bongga sa teaser, ang underwater sequence kung saan very pang-Aquaman ang buhok ni Umali sa ilalim ng dagat. Mas bongga sana kung walang suot na bra si Bianca at tanging puting kamison lamang ang kanyang saplot habang naglulumangoy sa dagat. Mas nakakapag-init para sa mga barako kung ganun ang payanig.

Dapat din, si Tanfelix, swimming trunks ang pinasuot at pinangalandakan ang yummy niyang katawan. Pag trunks kasi ang suot ni Miguel, magkakaalaman na kung alagad nga siya ni Felix Bakat, huh!

At si Migo, dapat magmarka na siya sa Sahaya dahil nga may teaser na rin para sa Starstruck. Siya at si Klea Pineda ang huling mga major winner ng reality based artista search, naramdaman ba talaga in a major, major way ang kasikatan nila?

At sana, dahil nabantilawan na ang BiGuel team up, wag na i-push ang reunited and it feels so good na bagong-bagong promo arc, hindi ba naman?

Aware naman tayo na ang malapit ngayon kay Bb. Umali ay ang bida sa TODA One I Love, si Ruru Mad­rid, kasama si Kylie Padilla.

Ang ikatlong pambato ay ang Kara Mia kung saan best in bangs si Barbie Forteza at ang nasa likod ng kanyang ulo, eh ang mukha ni Mika dela Cruz.

Hindi ba, isang malaking kababalaghan na may mukha ka sa likod ng bungo mo? Kung ito ay dahil sa sumpa o dahil freak of nature sina Kara at Mia, iyon yata ang kaabang-abang.

Ang mas kaabang-abang, ang mga hubad baro eksena ni Jak Roberto na leading man sa fantaserye. Hindi naman maramot si Roberto sa pagdi-display ng katawang pang-romansa niya. Kung may eksena si Jak na naliligo sa posohan na tanging pu­ting underwear lang ang suot, ay naku, walang dudang numero uno agad ito sa primetime. Hahahaha.

Sa kanilang afternoon prime yata ilalagak ang Inagaw Na Bituin na pagbibidahan ng pro­mising star na si Kyline Alcantara at internationally acclaimed young actress Therese Malvar. Sila na kaya ang magiging millennial Dorina Pineda at Lavinia Arguelles? Kyline must prepare very well, hindi lang sa kantahan, dapat sa aktingan din dahil si Malvar, puwedeng alikabok ang ipakain sa kanya, huh!