Abante Tonite Interactive

Maine, Arjo mahilig sa putukan

0 170

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Ang diva that you love, hindi sinasadyang masilayan sa Facebook ang photo posting ni Arjo Atayde na kasama ang kanyang iniirog, ang Philippine Sweetheart, si Maine Mendoza.

Sa larawan, naka-black polo shirt si Atayde, paired with skinny wrecked jeans at matchy-matchy black rubber shoes or were they loafers? Si Mendoza naman, naka-sleeveless white top, paired with capri pants at naka-Hollywood pout, super emphasized ang ikanyang sensuous lips na panalo ang lipstick na ginamit, matte na matte.

Abante Hiring – IT dep

May hawak na puting baril ang dalawa. Ang taray ng past time nina Arjo at Menggay, barilan at putukan! Kaninong baril kaya ang mas malakas pumutok? Sino ang mas pasabog ang bala? At nakakailang putukan kaya ang hawak nilang mga sandata?

Hindi rin puwedeng ikaila na bagay na ­bagay ang dalawa, huh!

Habang tinitipa ko ito, may 272 comments at 119 shares ang nasabing la­rawan. And you guess it right my dear Abante Tonite readers, karamihan sa mga comment, hindi pa rin matanggap ang katotohanan na pang-love team lang talaga sina Mendoza at Alden ­Richards at ang pangtunay na buhay ay sina Arjo at Maine na.

May ilan naman na ang kuda, tanggap na ang pangyayari, ang importante ay masaya ang kanilang idolong si Maine.

Merong mga hanash na humihiling kay Atayde na hinay-hinay naman sa mga sharing ng larawan nila Menggay ­dahil hindi ganu’n kabilis ang mag-move on. Para raw pinapatakan ng kalamansi ni Arjo ang kanilang mga sugat.

Ang tanong, ang mga larawang ipinagmamalaki ni Atayde na kasama niya ang kanyang sinisinta, mga sensyales na kaya ito na malapit na ang tamang panahon para ipagsigawan niya sa world, no, sa universe rather, na sila nga ni Maine Mendoza ay in a relationship?

Ning Maine, ‘pag nangyari ‘yun, ang ganda-ganda mo na talaga. Bonggang-bongga na ang lalaki ang ­unang umaamin at proud sa inyong relasyon. Ang saya!
***

KathNiel half-hearted sa kasal

May mga humuhula na balak na raw nina ­Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na magpakasal at maging magkabiyak. Ang chikang iyan ay mula sa mga kutob at damdamin ng mga feng shui expert na tinatanong kung bongga nga ba ang romance at marriage ngayong year of the earth baboy.

Ayon sa aming kaibigang celebrity psychic Nick Nangit na naging panauhin namin sa “Tambayan ng Tsika Tonite,” ang kutob niya sa KathNiel, may isa sa dalawa na bet na bet na ang mag-settle down, handa na itong maging tahimik at lumagay sa tahimik kaso may isa na mas hindi pa handang mag-settle down?

Sino kaya kina Daniel at Kathryn ang handang mas maging domesticated na? At sino naman ang may feeling na hindi pa ngayon, ayoko pa?

Sa mga ibang sikat na tambalan, sina James Reid at Nadine Lustre, handa na ba silang harapin ang kanilang happily ever after?

Sina Joshua Garcia at Julia Baretto, walang duda na they had their true love’s kiss pero matagal pa ang kanilang balak na humarap sa simbahan?

Ang reel at real couple na sina ­Barbie Forteza at Jak Roberto, are they looking at their new forever? O unti-unti, dahan-dahan rin ang kanilang drama?

Ang magkasintahang Enrique Gil at Liza Soberano na may Valentine movie na paparating ang “Alone/Together,” mas lamang ba sa kasulukuyan na bet nila lagi ang together time o may mga araw rin na mas gusto nila ang “I want to be alone?”