Abante Tonite Interactive

Maine, Arjo nag-date sa isang resto

0 1,284

tonite-this-is-it-roldan-castro

Huwag daw lagyan ng malisya kung nakitang magkasamang kumain sa isang restoran sina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Baka nagkayayaan lang kumain dahil nagsu-shooting sila ng pelikulang Jack Em Poy: The PulisCredibles. Ito ‘yung filmfest entry nina Coco Martin at Vic Sotto.

Very vocal naman si Arjo na may girlfriend siya. Hindi man siya magdetalye ‘pag ini-interview pero ito’y si Sammie Rimando umano ng GirlTrends.

Shower Thing sa text kay Gretchen ‘di malaswa

Mixed ang reaction ang publiko sa lumabas na text messages umano ng former ABS-CBN news executive Cheryl Favila kay Gretchen Fullido.

“Nasa isang site ‘yung lahat ng documents including the text messages. Super haba sa dami ng docs! Nandun yung shower thing, na hindi naman actually malaswa ang meaning!” reaksyon ng isang katoto na nabasa ang kabuuan ng text.

Sa thread ng isang online site ay mababasa ang:

“In summary, pinabulaanan ang mga nilabas na text messages ni gretchen at sinabing sinadya na hindi ilagay ang buong laman ng usapan at pinili lang ang mga text na ilalabas para magmukhang sexual harassment. halimbawa ay yung shower moment daw ang tara grets, na inilabas ng kabilang kampo ang buong usapan na may binabalak palang reformatting na gagawin para sa show. mga ganung ek ek.. pero sinubukan kong hanapin yung iba pang text message na nilabas ni gretchen kung ano naman ang masasabi ng kabilang kampo, pero hindi ko makita yung ibang text message.”

Anyway, nasa korte naman ito. abangan na lang ang outcome ng kaso.

Jasmine, Turismo Filipina-Tacloban

Palaban ang beauty ni Jasmine Marie Eaton, 18 years old, may taas na 5’5” at may sukat na 34-25-36. Pangarap niya na maging stewardess at magkaroon ng foundation para sa mga batang biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban.

Si Jasmine ay kinatawan ng Tacloban bilang kandidata ng Turismo Filipina.

‘Victor Magtanggol’ nasa mobile device na rin!

Kakaiba talaga ang powers ni Victor Magtanggol. Pati ang mobile gaming­ world ay napasok niya na rin! Available na kasi nang libre ang official Victor Magtanggol game app para sa iOS at Android devices. Ang Victor Magtanggol game app ay mula sa GMA New Media Inc. na nag-develop din ng official GMA Network app at Encantadia Blast na base sa hit series na Encantadia. Tiyak mage-enjoy ang mga chiki­ting sa pagtakbo kasama si Victor at talunan ang mga balakid para mabuksan ang iba’t ibang trivia tungkol sa kanya at sa kanyang mundo. Kaya’t ‘wag magpahuli at i-download na ito sa App Store o Google Play.