Abante Tonite Interactive

Maine, Arjo nag-Holloween date

3,558

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Mukhang kahit anong hanash, kuda at panlalait, maski sibat pa, wala na yatang makakapigil pa sa millennial Romeo at Juliet, sina Arjo Atayde at Maine Mendoza na ipangalandakan sa lahat na talagang masaya in a major, major way ‘pag silang dalawa ay magkasama.

Sa isang posh enclave Halloween cele­bration dumating ang dalawa bilang living Fred at Daphne, ang magka-love team sa cartoon na Scooby Doo.

Sa true lang, palong-palo ang dalawa sa kanilang Hanna-Barbera cartoon choice at yes, oh yes, hindi pwedeng itanggi na they look fabulous and great together.

Ang public sighting­ bang ito mula sa dalawang artistang belo­nging to warring networks eh patotoo na ang MaiJo nanalig na what the world needs now, is love, sweet love at para sa isa’t isa, they are making each other oh so very happy and they are glad they came into each other’s lives?

Maraming things in common sina Mendoza at Atayde, let us count the ways. Parehong walang kasintahan, walang sabit. Check. Mga tunay na middle class. Hindi nila kaila­ngan ang showbiz para yumaman dahil mayaman na sila to begin with, check na check. Bongga rin na parehong tapos sa kanilang mga pag-aaral, triple check! At parehong mahal na mahal ang kanilang mga pamilya, apat na check, walang mali!

Kahanga-hanga rin na Arjo is manning up. Hindi pumapatol­ sa mga basher at ha­ters, wala siyang pa­kels sa kanila, basta siya masaya sa piling ni Mendoza at ganu’n din ang dalaga, if we are to judge the pictures na magkasama sila bilang Fred at Daphne.

Wala ring pananalig ang diva that you love na early pang-MMFF movie promo ito dahil kung pagbabasehan ang trai­ler ng Jack Em Popoy: The PulisCredibles, hindi sina Menggay at Arjo ang magka-love team, parang si Coco Martin at si Mendoza.

Speaking of the mo­vie, in fairness, sosyalin at yayamanin ang kanilang poster, huh! Very pang-Hollywood ang dating. Kung sa poster nga pinabongga na, tiyak mas bonggang-bongga ang pelikula nina Bossing, Kuya Cardo at Maine.

Ang pagkakaibigan at palagiang pagsasama nina Mendoza at Atayde, ano nga ang patutunguhan at kakahinatnan? Kung ano man ‘yun, walang dudang kaabang-abang at ‘di kahi­kab-hikab.

Pagtanggi ni Vice tinaasan ng kilay

Kahit marami ang tumaas ang kilay at nagdabog ang bangs sa “No” ni Queen Bayot Vice Ganda nu’ng tanungin ito ni King of Talk Boy Abunda kung may pagnanasa ba itong magkarelasyon sila ni Calvin Abueva, mas marami pa rin ang nagbubunyi sa katotohanang in a happy place ang baklang superstar.

Inamin naman ni Ganda na ikinagaganda niya ang katotohanang very open and proud si Abueva sa kanilang pagkakamabutihan bilang magkaibigan, na ang ganitong pambihirang pangyayari at pagkakataon na siya ay nasa isang bromosexual relationship ay sapat na sapat na para sa kanya.

Ang bromosexual relationship ay platonic na relasyon na namamagitan sa isang bakla at isang lalaki. Ang pagpapakatotoo nga ni Calvin na meron silang ganito ni Vice ay one big leap of progress sa pink community.

Bakit kaniyo? Jose Marie and Abueva kasi ay immensely popular public figures, magkaiba ang sexual orien­tation at preference pero they are breaking the status quo and declaring new grounds na ang lalaki at bakla puwedeng maging mabuti at masayang magkaibigan. Walang masama na makita silang nagkukulitan at naglalambingan.

Ang isa pang panalo sa katotohanang ito, Calvin is showing how secure he is with his masculinity. Ang pagiging macho at machismo niya, gusto niyang ipaalam sa lahat na hindi diminished at tarnished dahil lang meron siyang kaibi­gang bakla.

With his “I am very happy” statement, hayaan na natin ang Queen Bayot to enjoy every minute and every bit and morsel of his friendship with Abueva.

Huwag husgahan. Huwag pangunahan dahil tanging mga Pulis Pangkalawakan lamang ang may alam kung saan patungo ang kanilang paglingap at pagkakaibigan.