Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maine, Arjo nagkalabuan

0 3,850

NI:ARCHIE LIAO

Isang kate-katerang netizen na na nagngangalang LestebanO ang nang-intriga na nagkakalabuan na umano sina Maine Mendoza at ang boyfriend nitong si Arjo Atayde.

Ibig pang palabasin nito na hindi raw naman talaga labs ni Arjo si Maine at ginamit lang ang dating Dubsmash Queen.

Ito raw ay dahil sa mismong pag-amin ng kapatid ni Arjo na si Ria.

Sey ng nasabing netizen: “Paano na ngayon mga Armaine, umamin na pala si Ria Atayde na nafriendzone lang iyong kapatid niya kay Maine… Wala na negosyo, lugi na…Bigti na!”

Idinaan naman ni Ria sa pagtawa ang kanyang reaksyon at tinawag na epal ang naturang netizen.

Nag-share din siya ng quote sa Twitter na ang nilalaman ay “Please don’t let your insecurity put words in my mouth,

Ria niresbakan si Bato

Samantala, sa panawagan ni Senador Bato dela Rosa na maghanap na lang ng ibang trabaho ang mga empleyado at talents ng ABS-CBN na namemeligrong mawalan ng kabuhayan dahil sa franchise issue nito, sumagot naman itong “you first po.”

Walang takot ding itong ini-retweet ang panawagan sa netizens na panoorin ang feature documentary tungkol sa ‘war on drugs’ ni Pangulong Duterte na may pamagat na “Aswang” at may hashtag na “Huwag Matakot!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.