Abante Tonite Interactive

Maine bingi sa panawagan ng AlDub Nation

441

Isiniselebra pa rin ba sa “Eat Bulaga” ang weeksary ng AlDub? Ang diva that you love, kung tama ang pagka-alala ko, Mayo 2 dapat naganap ang nasabing pangyayari. Ang AlDub Nation, ayaw pa rin talagang magpalupig ang pag-asa, huh! May pananalig pa silang sa kasalukuyan, ang buong dabarkads at EB followers, makikisaya at kinikilig pa sa kanilang ilusyon.

Mga AlDub Nation, lalo na ‘yung die hard at dye-in-the-wool, tama na, sobra na, gising­ na! Wala na ang kilig, Mas lalong wala na ang romansa. At kahit pa nagawa niyong mag-trending ang weeksary, eh weno naman, ang phenomenal phase nina Alden Richards­ at Maine Mendoza ay tinuldukan na, may tandang pandamdam pa.

Huwag na rin nating uriratin pa at alalahanin ang nakalipas na ‘di na dapat balikan. Alam na alam naman kung sino ang naging dahilan kaya tumamlay ang tambalan. May nagpakatotoo kasi, hindi ba naman?

Ang mga solid Aldenatics, super abangers na sa mga katauhang sina Ethan at Joy, ang mga bibigyang-buhay nina Richards at Kathryn Bernardo sa “Hello, Love, Goodbye.”

Ang maka-Menggay naman, may pag-asa na matanggap nila ang katotohanang ang tinitibok ng puso ni Mendoza ay si Arjo Atayde? Na ang kanilang idolo ay sadyang bulag at bingi sa kanilang mga panawagan at pakiusap, na gawin namang pribado ang mga labing-labing quality time nila Atayde dahil parang punyal at pana itong tumatama sa kanilang mga dibdib at puso?

Siyempre, dahil Ms. Honesty si Mendoza, wala siyang pakialam sa nagmamarakulyong damdamin ng kanyang mga tagasubaybay. Ang importante sa kanya, siya ay nagmahahal sa isang Kapamilya.

May chikang pinapalutang, na may search nga ba para sa makakatambal ni Maine sa “Daddy’s Gurl?” Kinakabahan na nga ba sila sa “Idol Philippines” kaya nais nilang i-revamp ang sitcom nina Bossing Vic Sotto and Maine by adding man meat and to heat up the kilig factor?

Para mapag-usapan, ang diva that you love, may dalawang lalaki na pasok sa banga na maging pangmalakasang kapareha ni Mendoza.

Una, kung siya ay tapos na sa pag-aaral, Jake Ejercito is a welcome addition bilang katambal ni Maine. Pangalawa, ang na-chismis dati na kasintahan sa dilim ni Menggay, si Juancho Trivino.

Nawa’y mas bumongga ang mga karera nina Mendoza at Faulkerson Jr. ngayong kanya-kanya na muna ang landas na kanilang tinatahak.
***

Puwersa ng Sunflowers ni Kyline nawala

Sikat na nga ba talaga itong si Kyline Alcantara? Kasi kung true na major, major puwersa na siya sa showbizlandia, bakit ang afternoon drama na kung saan siya dapat ang bonggang-bonggang star, hu­ling tatlong linggo na nga lang ba ng “Inagaw Na Bituin?”

Sabi na may Sunflowers na mga follower si Alcantara at nagsusumigaw kung nasaan man siya, kay sisipag mag-post sa social media ng mga activities ni Kyline, may purchasing power para bilhin ang mga ini-endorso nito, eh bakit wala silang time na panoorin ang palabas ng dalaga?

Ano ito, wala silang mga telebisyon sa bahay nila kaya semplang sa ratings ang palabas ng kanilang iniidolo? Kaloka ha!

Kung ang palabas sa television, ang Sunflowers ni Kyline ay hindi nagawang winner, paano pa kaya ang “Black Lipstick” na shino-shooting niya sa kasalukuyan? ‘Wag naman sanang maging madilim ang kikitain nito sa takilya.

Baka naman hanggang tweet at text lang ang Sunflowers ni Alcantara pero wala ring kakayahang pumuno at pumila sa mga sinehan?

Hinog nga ba sa pilit si Kyline Alcantara? O mas bet siya ‘pag kontrabida ang kanyang katauhan?