Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maine bongga ang bughaw na buhok

0 97

NI: ALWIN IGNACIO

Ang Philippine Sweetheart Maine Mendoza, mukhang may hold at lure pa rin sa kanyang mga tagasuporta. Hindi pa yata matitibag ang imahe nitong trendsetter siya, huh!

Kulay bughaw ang buhok ng kasintahan ni Arjo Atayde sa kasulukuyan . At yun na nga, more chances of winning ang loving sa kanyang new hair hue kesa sa bashing.

Kooky and kikay naman talaga kasi ang packaging nitong si Mendoza kaya kung tuwang-tuwa ang mga panatiko niya sa kanyang hair transformation, hayaan na natin.

SM food to go Banner Ad

Hindi naman niya ito pinaputulan o kaya ay pinaikli into a pixie kaya sure na sure tayo na on the romantic front,eh maayos ang kanilang relasyon ni Atayde. Common knowledge na kasi na ang mga babae, unang pinagdidiskitahan ang kanilang mga buhok kapag nakipaghiwalay na sa iniirog.

Kaya sa mga umaasa pa rin, lalo na sa kakarampot na AlDub nation members na sa pagdating ng panahon ay sina Menggay at Alden Richards talaga ang nakatadhanang magmamahalan.juice colored! Gising na sa mga ilusyon.

Naway dahil sa bughaw niyang buhok, exciting things ang mga kaganapan sa kanyang karera. Bukod kasi sa romansahan nila ni Arjo, nakakahikab na at neither here nor there ang status nito.

Kung marami pang assets at strengths si Maine Mendoza, ngayon niyo na i-unleash at iparamdam iyan sa sa dabarkads at balana.

Leave A Reply

Your email address will not be published.