Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maine ‘di na babalik kay Jake

0 439

Totoo nga kaya ang kutob ng lahat na sina Maine Mendoza at Jake Ejercito, may nakalipas na di na maaring balikan?

At pwede rin bang hindi pwedeng aminin ‘yun dati dahil kalakasan ng tambalan ni Mendoza kay Alden Richards .Ito ‘yung mga panahon na mistulang naging third angle of love triangle silang tatlo?

Sa mga mapaglaro ang mga imahinasyon at mahusay mag one plus one equals two na hindi sinasadyang mapanood ang online show ni Jinggoy Estrada, parang may birong totoo ang kuya ni Ejercito patungkol sa “closeness” niya with the Philippine sweetheart dati.

Hmmmm….. sino nga kaya ang makakapagpatunay na naging mag-secret lovers sina Mendoza at Jake? Ang saya siguro kung totoo ngang naging “sila” at kaya kailangan itanggi at itago kasi nga “phenomenal” pa ang pang-uring nakadikit sa tambalang AlDub.

Well, ang bongga lang sa panunukso ni Kuya Jinggoy kay Ejercito, pinakita ni Jake sa lahat na hindi lang siya well-educated at may breeding, gentleman pa talaga. Hindi siya kiss and tell at marunong siyang tumupad sa mga pinagkasunduan.

Hindi siya utak pipitsuging studlet na ready i-expose ang lahat alang-alang sa publisidad.

Para namang gusto ko na tuloy manalig na ang ganda nga talaga nitong si Maine Mendoza. Sa true lang, hinahanap ko pa kasi ang gandang sinasabi nilang meron ito, huh.

Julia payanig ang lovelife

Kung hindi naman pinangalanan ni pretty young miss Julia Barretto ang lalaking minamahal niya sa isang online magazine, deadma to the world ang diva that you love dito.

Siyempre, mahirap manalig sa mga sabi-sabi at mas lalong hindi pwedeng panghawakang Bible truth ang mga haka-haka kaya kung may big reveal nga si Julia na ang lalaking that makes her heart bounce ay si this hunk na itatago ko sa pangalang Gerald Anderson, sure naman tayong we can handle the truth.

Hindi kasi pwedeng what you see is what you get sa isang tulad ni Julia kasi nga, she is a Barretto after all, at alam na alam niya kung paano kilitiin ang imahinasyon ng mga dudosa, at kung paano utuin ang mga hitad at katkatera.

We all know that Julia Barretto is someone who can milk this situation to her advantage. Kaya kung sino man ang nakaisip sa pangrahuyong ito, lalo na nga’t bagot ar bugnot ang mas nakararami dahil sa pandemya, mahusay ka sa nilulutong mong Julia Barretto is in love, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.