Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maine dinedma mga fan, nag-sorry

0 63

Napahiya at biglang kumambyo si Maine Mendoza matapos nitong malaman na nasaktan nito ang iba niyang mga fan. Ang nangyari kasi, solo niyang pinasalamatan ang isang fan group, na nag-abala para mairaos ang kanyang 6 taon selebrasyon sa showbiz.

Nakaposte sa Instagram ni Angelika dela Cruz ang surprise anniversary celebration ni Maine sa set ng serye nilang “Daddy’s Gurl”.

“6th year anniversary surprise on the set of Daddy’s Gurl this afternoon! Thank you. Solid Maine United and AAA! Thank you for the mini celebration and for the luuuuuv!” tweet ni Maine.

At sa sumunod na tweet, nag-sorry si Maine dahil sa pag-aakalang ang binanggit niyang fan group ay kabuuan na sa lahat ng kanyang mga solid fan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Omg so sorry I thought SMU is buong “Mainers” na!!! My bad my bad! Thank you very much also Maine Nation, Team Bet si Maine, Maine Avenue, Team Pa-havs and Team no group for today! Sana wag kayo magtampo!” tweet uli ni Maine.

Naunawaan naman si Maine ng kanyang mga fan at hindi siya kinastigo ng mga ito.

Nakakaloka lang, sa loob ng anim na taon ay hindi pa alam ni Maine ang kanyang mga solid fan group. Kunsabagay, ang dami kasi nila, eh! (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.