Abante Tonite Interactive

Maine, ‘Eat Bulaga’ ‘di lalayasan ni Alden

By
1,421

Tuloy ang ligaya ng AlDub nation dahil hindi niya lalayasan ang noontime show na ‘Eat Bulaga’.

Hindi rin niya iiwan si Maine Mendoza. Hindi hahayaan ng Pambansang Bae na gumuho ang kagustuhan ng mga fan na may show pa rin na magkasama ang dalawa.

Kahit pagod si Alden sa taping ng ‘Victor Magtanggol’ at mga show sa labas, ginagawan pa rin niya ng paraan na makasipot ng ‘Eat Bulaga’.

Abante Hiring – IT dep

Hindi rin naniniwala si Alden sa over exposure na napapanood siya sa tanghali at siya pa rin ang mapapanood sa primetime ng GMA.

Naghahanda rin si Alden sa kanyang second major concert na ‘Adrenaline Rush’ na mapapanood sa September 21, 8 pm sa Kia Theater.