Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maine game ikampanya si Arjo

0 577

Lumabas nu’ng January ang isyung tatakbo raw si Arjo Atayde bilang Congressman sa 5th District ng Quezon City.

Sa partido raw ito ni Mayor Joy Belmonte. Marami kaagad ang nag-react dahil ang makakabangga niya kung matutuloy ay ang kapatid ni Cong. Alfred Vargas na si PM. Walang pagkumpirma sa side ng aktor pero sa ilang pagkakataon na natanong namin kay Arjo kung may balak ba siyang pasukin ang politika ay hindi naman niya sinasara ang pintuan niya.

Pero,tila nagpaparamdam na ang aktor. Kahapon ay dumalaw siya sa barangay Project 6, Quezon City kung saan kami nakatira. Nagpakilala siya sa mga Kagawad at kapitan.

Pero nagbago kaya ang posisyon na gusto niyang takbuhin? Usap- usapan na konsehal na raw ang tatakbuhin niya.

Kung matuloy ang pagpasok ni Arjo sa politika ay sure na todo ang suporta ng nobyang si Maine Mendoza sa kanya. Tiyak na ikakampanya niya ito.

Rabiya ‘di laglag sa endorsement

Nag- alala ang kampo ni Rabiya Mateo na kapag hindi niya nauwi ang korona sa Ms. Universe ay mawawalan siya ng ibang endorsement.

Sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray kasi ay mga Frontrow endorsers na may titulo. Kaya naman tinanong namin mismo si direk Raymond Francisco kung susuportahan pa rin nila si Rabiya.

Mabilis niyang sagot, ” Oo naman. we will still support her. We love her at hindi nagbabago ang support namin sa kaniya.She did her best and I’m so proud of her. I love her.”

Nangako pa si direk na pagdating na pagdating sa Pilipinas ng beauty queen ay ipapa-interview niya ito kaagad sa amin.

Joshua, Charlie ‘niligwak’ si Jameson

May mababago nga ba sa magiging takbo ng kuwento ng upcoming serye ng Kapamilya network, ang “Viral”? Tinatampukan ito nina Joshua Garcia, Jameson Blake at Charlie Dizon?

Una nang nasulat na ang nasabing serye ay pagtatambalan nina Jameson at Charlie. Hinabol lang sa cast si Joshua. Bagay na hindi raw masyadong gusto ng mga fan.

Pero ayon sa tsika ng aming source, ang aktor na raw ang itatambal sa aktres . Ligwak na ba sa tandem si Jameson?
Bakit kaya? Dahil ba sa nag-react ang mga fan ni Joshua? Well, wait natin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.