Abante Tonite Interactive

Maine handa nang pakasal kay Arjo

0 621

Nagpakatotoo si Kapuso actress Maine Mendoza sa mga tanong sa “Tonight With Boy Abunda” noong Lunes.

Kabilang sa naitanong kay Maine ang tungkol sa kung sakaling mag-propose sa kanya si Arjo Atayde kapag pagunaw na ang mundo, ano ang isasagot niya.

“Last night of the world, Arjo proposes to you, ano ang isasagot mo sa kanya?” tanong ni host Boy Abunda kay Maine.

Isang “Yes” ang sagot ni Maine na kinagulat ng audience.

Sigaw tuloy ng mga netizen, “I’m starting to love her”, “This is why everyone loves Maine”, “MMK with arjo pls management” at “C Maine mas piniling magpakatotoo kesa mag feeling safe para sa promotion nang movie nla”. (IS)