Abante Tonite Interactive

Maine iikot sa mga Kapamilya show

411

Kumpirmado na ang paglabas ng original Dubsmash Queen na si Maine Mendoza sa mga programa ng Kapamilya network. Maliban lang sa “It’s Showtime” na katapat ng “Eat Bulaga”.

Walang magiging conflict sa guesting ni Maine sa mga programa ng ABS-CBN dahil wala siyang network contract with GMA. Hindi rin siya contract star ng GMA Artist Center.

Si Maine ay nasa pangangalaga ng Triple A Management ni G. Tony Tuviera na siya ring big boss ng TAPE, Inc. Si G. Tuviera rin ang may-ari ng APT Entertainment.

Juday 1st time maglakad sa int’l red carpet

Kung tutuusin, wala nang ibang mahihiling pa ang tinaguriang Teleserye Queen at Young Superstar na si Judy Ann Santos dahil masaya ang kanyang married life with TV host-actor Ryan Agoncillo. Successful din ang itinayo nilang restaurant business. Patuloy rin ang magandang takbo ng kanilang respective career.

Mahalaga kay Juday ang buwang ito ng Oktubre dahil sa darating na Lunes, October 7, ay magsisimulang mapanood sa ere ang kanyang comeback teleserye na “Starla”.

Nakatakda ring dumalo si Juday sa 24th Busan International Film Festival in Busan, South Korea. Isa sa mga kalahok ang pelikula niyang “Mindanao” with Allen Dizon at idinirek ni Brillante Mendoza. Ang 2019 Busan International Film Festival ay magsisimula ngayong October 3 at magtatapos on October 12, 2019.

Kalahok din ang “Mindanao” movie sa 2019 Tokyo International Film Festival pero hindi makakadalo si Juday. Naka-schedule kasi siyang pumunta sa International Book Fair sa United Arab Emirates (UAE) sa buwan ng November. Isa si Juday sa 20 Filipino book authors na inimbitahan. May libro ang aktres na “Judy Ann’s Kitchen”.

Aminado ang dating child star na sa loob ng kanyang 33 taon sa showbiz ay ngayon lamang umano siya makakaranas lumakad sa isang international red carpet premiere.

Janella-Joshua malabong magkarelasyon

Malabong ma-link si Janella Salvador sa kanyang kapareha sa “The Killer Bride” na si Joshua Garcia. Ang British-Filipino singer-actor na si Markus Paterson ang pinakamalapit na guy sa kanyang puso ngayon.

Naudlot man ang pag-iibigan nina Janella at Marco Gumabao at nag-fail ang relasyon nila ni Elmo Magalona, nariyan naman si Markus na siyang nagpapasaya sa kanya ngayon.

Super Tekla tinalo ni Kim Molina

Tinalo ni Kim Molina si Super Tekla sa box-office nang sabay ipalabas sa mga sinehan ang kanilang launching movies na “Jowable” at “Kiko en Lala”.

Sa mga bagong breed ng actor-comedians, mukhang napapanahon ngayon si Kim na ang boyfriend ay ang Kapuso actor-comedian na si Jerald Napoles.