Abante Tonite Interactive

Maine ipinagtanggol ni Bayani sa pagkampi sa ABS-CBN

By
10,492

HINDI sinasadyang nakita namin si Bayani Agbayani sa ABS-CBN nang mapadaan ito sa may Dolphy Theater. Pictorial daw nila ng bagong serye, ang Sana Dalawa Ang Puso.

Pinag-react namin ito sa naging viral na post ni Maine Mendoza na ‘Para sa mga nalulungkot…’

At ito yung moment ni Bayani sa I Can See Your Voice dati. Siyempre, daming nag-react sa post ni Maine. Merong natuwa dahil hindi raw uso kay Maine ang network war. May mga naglagay naman agad ng kulay.

Nandiyang nagpaparamdam daw ba si Maine sa Kapamilya network? May nang-intriga rin agad na lilipat daw si Maine from Kapuso to Kapamilya.

Tinanong namin si Bayani kung ano ang masasabi niya, at ayon dito, nakakatuwa raw at nagpapasalamat din siya na siyempre, Maine Mendoza raw ‘yun, sikat. Pinapanood sila.

Si Bayani rin mismo ang nagsabi na hindi na raw dapat lagyan ng kulay ng iba ang naturang post o pagsi-share ng video nila na unang ginawa ni Luis Manzano na siyang pinagkuhanan ni Maine.

Katwiran ni Bayani, “Eh, kahit naman ako, nanonood din ako ng ibang show sa kabila. I’m sure, lahat naman ganu’n.”

Mikoy gustong  makipagbalikan  kay Thea

AUGUST pa lang daw ay wala nang relasyon sina Mikoy Morales at Thea Tolentino. Pero hindi itinanggi ni Mikoy na nagkakaroon pa rin ng chance na magkita sila ni Thea lalo na lately na may mga reunion ng Teen Gen at party.

Alam naman daw niya na happy rin si Thea ngayon at katulad niya, naka-focus din ito sa career.

Aniya, “I’m happy kasi it’s one of the main reasons why we broke-up. ‘Yun nga, mag-all-out.  Timely rin siguro na nangyari ‘to, kasi kung noon nangyari ‘to, baka hindi ganoon karami naibigay ko rito kung kami pa. Same with her, may mga opportunities sa kanya.”

Normal naman daw kasi na kapag nasa relationship ka, puwedeng maapektuhan ang ibang bagay either positive or negative.

Hindi naman sinasara ni Mikoy ang anumang posibilidad na magkabalikan pa rin sila in the future.

“May chance na magkaroon.  Kasi, we ended in good terms,” sabi niya.

Bida nga si Mikoy bilang ka-twins ni Mikee Quintos sa bagong family adventure/fantasy series ng GMA News TV na “Sirkus” at magsisimulang mapanood sa January 21 ng 6 p.m.

Wala na raw sa kanya yung napu-frustrate since Protege, naghahangad siya ng lead roles. Na-realize daw niyang maling mindset ‘yun.

Magka-batch sila ni Ruru Madrid sa Protege at malayo-layo na rin ang nararating ni Ruru.  Nakakatuwa naman ang sinabi ni Mikoy na kahit hindi kumpetisyon ang tingin niya sa kapwa Kapuso actor, sa halip, proud na proud raw siya for Ruru.