Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maine kabado pa rin kay Bossing

0 215

Labis ang pasasalamat ni Maine Mendoza na kahit pandemic ay tuloy-tuloy pa rin ang pagdating ng blessings sa kanya.

“Sa panahon ngayon, dahil may pandemic, ang dami pong nawawalan ng trabaho, talagang lahat tayo dapat magpasalamat sa biyayang dumadating sa atin,” she said.

“Kahit minsan, physically tiring and it can get really taxing po talaga, iisipin mo na lang na ang daming walang trabaho, ang daming taong naghihirap ngayon and sana, mas pahalagahan ko na lang kung ano’ng meron ako imbes na isipin kung gaano ba nakakagod physically and mentally ‘yung trabaho ko ngayon,” sey ni Maine.

Inamin din ng phenomenal star na hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siyang ka-eksena si Bossing Vic kahit na nga ba matagal na niya itong katrabaho.

“Parang kahit kailan po, hindi po ‘yun mawawala,” natatawa niyang sabi.

“Hindi naman niya fault na intimidating siya, talagang meron lang siyang ganun’g charm, si Bossing, na parang ‘pag nandiyan siya, hindi mo alam kung paano ka kikilos,” sey ni Maine.

Na-flatter naman ang dating ka-loveteam ni Alden Richards nang purihin siya ni Bossing Vic sa kanyang acting sa Daddy’s Gurl.

Ayon kay Vic, nagsisimula pa lang daw si Maine ay alam na nilang may talent ito at na-witness naman daw ng lahat ang pag-evolve nito bilang isang aktres at isang host.

“She’s just a natural,” ani Vic.

Nang mahingan ng reaksyon si Maine tungkol dito, aniya ay speechless siya at hindi niya alam kung paano magre-react. Pero nakakataba raw ng puso na may nakaka-appreciate raw ng kanyang trabaho.

Vic enjoy na erpat sa pandemya

Aminado si Vic Sotto na ang isa sa magandang naidulot sa kanya ng pandemic ay naging full-time daddy siya sa anak nila ni Pauleen Luna na si Tali. This is the first time nga naman kasi na almost 2 years na siyang nasa bahay lang.

Aniya sa virtual mediacon kahapon ng Daddy’s Gurl, sa mga naunang anak niya ay hindi naman daw siya talaga naging full-time bilang ama dahil nga sa busy siya sa trabaho.

“Dahil nga more than half of my life, I was working, nagtatrabaho ko, para rin naman sa kanila ‘yun, para sa pamilya.

“And this is the first time na halos lahat ng highlights ng isang bata eh nakita ko. Not like with Danica, Oyo (mga anak niya kay Dina Bonnevie) nung lumalaki, most of the time, I was out of the house, working, shooting, taping,” aniya.

Ganu’n din daw sa iba pa niyang anak na sina Vico Sotto and Paulina Sotto.

With Tali, nakita raw niya ang lahat ng developments nito for the past year up to now tulad ng first step, first word na binigkas, first song na kinanta, etcetera.

“So, kung mero’n man akong nadiskubre eh okay naman pala akong tatay,” sey ni Bossing.

At siyempre, bilang ama, ipinahayag din ng ace comedian ang kanyang pagka-proud sa mga papuring natatanggap at magandang paninilbihan ni Vico bilang alkalde ng Pasig.

“Kahit naman ako eh naging miyembro ng fans club niya, eh,” sambit ni Bossing.

“I’m just very proud na he’s setting a very good example of what good governance is all about. Na pwede kang magpatakbo ng gobyerno na hindi nangungurakot. Hindi kailangang maging corrupt,” he said.

Sana nga raw ay tularan ang isini-set ng magandang ehemplo ni Vico ng ating mga kabataan na gustong maging leaders ng ating bayan.

Samantala, excited si Vic sa mga fresh episodes na mapapanood sa Daddy’s Gurl biglang pagdiriwang sa 3rd anniversary ng sitcom. Bukod nga dito ay nagdagdag sila ng bagong cast na sina Prince Clemente, Carlo San Juan, Prince Carlos at Jem Manicad

Siyempre, kasama rin nila ang original cast na tulad nga ni Bossing na siya ring co-producer, Maine Mendoza, Oyo Sotto, Wally Bayola among others.

Dahil nga work from home pa rin ang set-up ni Vic, ang isang pasabog nila sa sitcom ay ang paggamit nila ng CG (computer graphics) .Makikitang parang kasama na rin si Bossing sa eksena kahit sa bahay lang ito nagte-taping.

“Hindi na po siya (Vic) nakakahon lang. Nagawan po namin ng paraan na si Bossing po ay nasa eksena na, buong-buo. Nakikipag-interact na po siya kay Maine, kay Oyo o kay Wally. So, nag-improve na po kami,” paliwanag ni direk Chris Martinez.

Napapanood every Saturday ang Daddy’s Gurl.

Leave A Reply

Your email address will not be published.