Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maine kabado sa bagong show

0 652

Hindi mapakaniwala si Maine Mendoza na dadarating ang araw na mapapanood siya sa TV5 since simula nang nagsimula nga siya sa showbiz ay sa “Eat Bulaga” at sa GMA-7 na siya napapanood.

Kaya naman thankful sila ni Paolo Ballesteros na sila ang napiling maging hosts ng bagong reality talent show ng Kapatid network at TNT na POPinoy.

“Masaya talaga ako nun’g in-offer sa akin ‘to kasi iba siya, eh. Parang ibang environment din. And para sa dinami-dami ng hosts, di ba, parang tayo ang napili, nakakatuwa rin,” ani Maine sa virtual mediacon kahapon ng nasabing show.

Aminado ang Phenomenal Star na may pressure rin on their part since dalawa na lang silang hosts at hindi katulad sa EB na marami sila.

“May pressure rin nang konti kasi parang kailangan naming mag-step-up kasi 2 lang kaming hosts dito unlike sa Eat Bulaga na medyo marami kami, pero ‘yun, very excited din ako,” aniya.

Ayon naman kay Paolo, medyo may pagtatanong din nang unang sinabi sa kanila ang bagong show.

“Parang bakit, bakit natin kailangang gawin ‘to ngayon sa panahon natin. But then again, bilang mga hosts sa Eat Bulaga na talagang nag-uumapaw ‘yung talent ng mga Pinoy na parang bakit mo sasayangin ‘yung mga talent ng mga Pinoy kung hindi mo ipapakita?” ani Paolo.

Aminado si Maine na may stage fright pa rin siya kahit na nga ba ilang taon na siyang nasa EB. Kaya naman sobrang kabado pa rin daw niya sa POPinoy.

“Kahit everyday na kami nagbu-Bulaga, every time na mag-step ako sa stage, talagang hindi pa rin nawawala ‘yung kaba. Parang first time siya ulit sa akin and parang hindi ko alam kung pano ‘yun gawin.

“Pero siguro, it depends on the people you’re working with, parang they’re making the setting comfortable for you. Du’n mo na rin nalalabas and du’n na rin slowly na nagagawa mo ‘yung trabaho mo.

“So, ayun, hindi siya talaga mawawala for me. It takes time. Ngayon kinakabahan ako (sabay-tawa). Sobra talaga siya. Hanggang ngayon, problem siya sa akin. Hindi ko alam kung paano i-handle ‘yung kaba kapag nasa stage, pero parang nagagawa ko naman, parang I’m getting by,” pahayag ni Maine.

SM food to go Banner Ad

Makakasama nina Paolo at Maine ang PoPinoy Headhunters na sina Kayla Rivera, DJ Loonyo, Jay R, at Maja Salvador.

Mapapanood ang primer ng PoPinoy on June 6, Sunday, 8PM on TV5 at ang premiere naman nito ay June 13, Sunday, 7pm. Eere rin ito Colours on Cignal ch. 202 HD and 60 SD on Sundays at 9:30pm.

Maja inurirat kay John Lloyd

Sa nasabing virtual mediacon ng PoPinoy ay natanong naman si Maja tungkol sa kanyang bagong tatag na talent agency na Crown Artist Management.

Ayon sa aktres ay hindi naman daw niya solo ang nasabing agency at isa nga sa kasosyo niya ay ang boyfriend na si Rambo Nunez. Kaya naman siyempre, may time pa siya para gumawa ng mga projects.

“So, kapag artista ako, nagpapaka-judge ako rito sa PoPinoy, nagpapaka-Nina ako sa teleserye, sila (her business partners) ‘yung gumagawa nu’n and then, may araw na may alignment meeting lang kami.

“Tapos, siyempre, hindi ko naman lahat desisyon lang ‘yun pero nandu’n ako lagi sa ‘yun nga, kung makitaan ko ng potensyal, sa pagkanta, du’n ko siya papa-train,” aniya.

Same goes daw kung may potensyal sa acting, mas iho-hone pa niya, ganundin sa pagsasayaw.

When asked kung istrikto ba siyang manager ni John Lloyd Cruz, paiwas na sagot ni Maja, “hindi pa po nag-audition dito si John Lloyd.”

Nagbiro rin siya sa reporter na nagtanong na tatawagan na lang daw niya ito at nag-I love you na lang para makaiwas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.