Abante Tonite Interactive

Maine keri na wala si Alden

835

Sa MMFF movie ni Maine Mendoza, wala siyang ka-love team. Keri niya kahit wala si Alden Richards.

Para sa kanya, panibagong challenge ito dahil first time niyang lalabas na walang katuwang sa pagpapakilig.

Naniniwala kasi siyang kung maganda ang materyal at role, puwede rin siyang mag-shine on her own.

“Ako naman po, ang nagma-matter sa akin ay ‘yung makagawa ng iba-iba, ‘yung makagawa ng hindi ko pa nagagawa before. So sa akin, walang kaso kung may team up o wala. Para sa akin, gusto kong maraming matutunan at maraming makatrabaho na hindi lang limited sa GMA artists. Sana, makatrabaho ko rin ako iyong actors from other networks. Sana hindi rin naman iyon po kaso. Gusto ko lang makagawa ng bago,” aniya.

Hindi rin daw siya nagwo-worry na hanapan siya ng mga tagahanga niya ng love team partner sa kanyang bagong pelikula.

“Hindi naman po. Sana hindi po sila masanay sa ganoon, sa lahat po ng love teams din sana. Kasi, meron din namang kayang i-offer as different individuals, as two different individuals, hindi lang naman sa amin na love team befoe kungdi sa lahat po ng love teams,” paliwanag niya.

Sa action-adventure na “Mission Unstapabol: The Don Identity” ginagampanan niya ang role ni Donna Cruz, isang computer hacker na naging katuwang ni Don Robert Fortun (Vic Sotto) sa pagbawi ng kayamanang Pearl of the Orient Seas sa kanyang ganid na kapatid. (Archie Liao)