Abante Tonite Interactive

Maine kering mag-guest sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

By
0 609

Magsasama sa iisang pelikula ang mga bigating star na sina Coco Martin, Vic Sotto at Maine Mendoza.

Nagkapalagayan na nga si Maine at si Coco Martin.

Sa isang panayam, bakas ang saya na magkatrabaho sila.

Natanong si Maine kung payag ba siya na maging guest sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Wala raw problema basta’t papayagan ng management. Ganu’n din naman si Coco kung sakaling maimbitahan siya sa “Eat Bulaga” at isama sa sugod bahay.

“Puwede rin,” tugon ni Coco.

Bukas ang kamay ni Maine na mag-guest sa kahit na anong show sa ABS- CBN basta’t paya­gan lang.