Abante Tonite Interactive

Maine magpapakasal kay Arjo

339

Ni Ronaline Avecilla

Bakas ang saya ni Maine Mendoza dahil first time niyang maimbita sa “Tonight With Boy Abunda”.

Siyempre, hindi pinalampas ang pagkakataon para masubukan niya ang pamosong ‘Fast Talk’ ng batikang host na si Boy Abunda.

Laman din ng katanungan ang rumored boyfriend ni Maine Mendoza na si Arjo Atayde. Game na game namang sinagot ng Phenomenal Star ang mga katanungan lalo sa ‘Fast Talk’.

Tinanong siya ni Boy Abunda kung ano sa tingin niya ang pinakaseksing parte sa katawan ni Arjo Atayde.

Aniya, “ahhh, too many to mention.”

Aminado rin siya na malaking parte si Arjo kung bakit masaya siya ngayon.

Ang higit na nakakaintriga sa lahat ng katanungan ay nang tanungin si Maine tungkol sa pagpapakasal.

Tanong ni Boy, “Last night of the world, Arjo proposes to you. Anong isasagot mo sa kanya?

“Yes,” diretsahang sagot ni Maine.

Hindi pa man direktang umamin ang dalawa sa relasyon na namamagitan sa kanila, obvious naman sa sagot ni Maine na lumevel-up na sila.