Abante Tonite Interactive

Maine mamumudmod ng 1K sa mga walang trabaho

1,099

Mukhang naka-inspire ng iba ang celebrities na katulad nina Bela Padilla at Pokwang na may kusang loob na magbigay ng tulong sa mga kababayan nating higit na nangangailangan sa panahong ito ng matinding krisis.

Ang latest na good Samaritan celeb ay si Maine Mendoza, na kahapon ay inilunsad ang kanyang DoNation Drive para matulungan ang mga empleyadong hindi na pinapayagang pumasok sa trabaho dahil sa community lockdown.

Ayon sa mensahe ni Maine, magbibigay daw siya ng P1,000 per household para sa food, groceries and essentials. ‘Yun daw ay para mas marami siyang matulungan.

Hinikayat niya rin ang ibang tao na tumulong in their own little way.

Ang mga nangangailangan ng tulong ay pinapa-email ni Maine with their proof of employment (company ID or any other proof that you’re currently employed but required not to work until the situation improves).

Isama rin daw ang mobile number dahil ang pera ay ipapadala lahat via G-cash.

Nagbigay din ng number si Maine na puwedeng padalhan ng mga gustong mag-donate.

Personal daw na aasikasuhin ni Maine ang lahat ng mga donasyon at sisikapin niyang i-accomodate as many people as she can.

O, ‘di ba? Parami nang parami ang nagnanais makatulong? Bigyan natin sila ng masigabong palakpakan!

PAK!!

Lead singer ng Mulatto nasawi sa coronavirus

Kung may pa-free concert habang naka-quarantine ang mga sikat na international artists gaya nina John Legend, Chris Martin ng Coldplay, Charlie Puth, Swing Out Sister at iba pa, meron din dito sa atin.

Si Maestro Ryan Cayabyab ang nakaisip nito kaya star-studded ang online fundraising concert niya na tinawag niyang “Bayanihan Musikahan”.

Via Facebook Live ito at magsisimula sa Lunes. By this time ay na-setup na siguro ang FB page para rito dahil nu’ng Wednesday lang ito in-announce ni Mr. C sa kanyang personal FB account.

Bukod sa magko-concert via FB Live ay ine-encourage din na mag-donate ang mga musical artist na kasali sa bonggang project na ito ng ating National Artist for Music.

Kabilang sa mga aabangan sa “Bayanihan Musikahan” sina Lea Salonga, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Jed Madela, Nyoy Volante, Agot Isidro, Jaya, Christian Bautista, Mark Bautista, Aicelle Santos at JK Labajo.

Kasali rin dito sina Ice Seguerra, Celeste Legaspi, Cherie Gil, Raymond Lauchengco, Morissette Amon, Juris Fernandez, Bayang Barrios, Noel Cabangon, Jett Pangan, Ito Rapadas, Ebe Dancel, Nino Alejandro, Lara Maigue, Kakai Bautista, The Company, Yael & Karylle Yuzon, Arman Ferrer, Odette Quesada (from her home in the US) at marami pang iba.

Ani Mr. C, para ito sa mga kababayan nating walang-wala at talagang nangangailangan ng tulong sa panahong ito ng pandemic.

Tuwing 8:00 PM ang nasabing concert simula sa March 23, kung saan aapela rin sa publiko ang mga sikat na singer para hikayatin ang mga gustong mag-donate.

Samantala, galing sa music industry ang first celebrity casualty ng dreaded COVID-19.

Ito ay si Joey Bautista na lead singer ng ‘90s band na Mulatto.

Balitang he was admitted 3 or 4 days bago ito biglang nag-flatline sa ospital dahil sa matinding pneumonia dala ng coronavirus.

Tonite – Wendys Inhouse Ad