Abante Tonite Interactive

Maine mas inunang dinalaw ang anak ni Pokwang kesa kay Pauleen

0 1,704

tonite-pak-allan-dionesPinagluto pala ni Pokwang si Maine Mendoza nang dumalaw ito sa bahay niya sa Antipolo.

Sinigang na ba­ngus ang paborito ni Menggay at ‘yun daw ang niluto ni Pokie sa kanyang bisitang Kapuso.

Kuwento ni Poks, may common friend kasi sila ni Maine na taga-Star Cinema. Nang mabanggit nito na dadalaw ito sa house ni Pokie ay sinabi ni Meng na gusto niyang ma-meet si Poks at ang baby nito na si Malia.

Napaka-humble ni Maine, sabi ni Pokie. First time nila ‘yon na mag-meet, pero parang matagal na raw silang magkakilala. Hindi raw kasi ito mahirap pakibagayan at mabait na bata ang phenomenal girl ng ‘Eat Bulaga’.

Clueless pala si Pokie na naging isyu ‘yon, na mas nauna pang dalawin ni Maine ang anak niyang si Malia kesa ang anak ni Pauleen Luna kay Vic Sotto na si Talitha. Hindi raw alam ng Kapamilya comedienne ang intrigang ‘yon.

Hindi na naulit ang pagbisitang ‘yon ni Menggay sa bahay niya dahil alam niyang busy ito, pero sinabi niya raw ditong welcome ito sa house niya anytime. Ang bahay raw kasi ni Pokie ay open sa Kapamilya o Kapuso, basta tao.

Ang ‘EB’ dabarkad na si Paolo Ballesteros ang kapitbahay ni Poks sa tinitirhan niyang village sa may Sumulong Highway sa Antipolo. 3 blocks away lang daw ang bahay nila ni Paolo sa isa’t isa at minsan ay dumadalaw ito sa kanya o pinadadalhan siya ng pagkain.

Aligaga ngayon si Pokwang sa promo ng indie film niyang ‘Sol Searching’ na kasali sa TOFARM Film Festival 2018.

Masaya siya sa experience niya ng paggawa ng pelikula, na teacher ang role niya, na namatay ang best friend na walang kamag-anak. Siya ang nag-asikaso ng burol nito hanggang sa makara­ting ito sa huling hantungan.

May lihim daw ang karakter dito ni Pokie kaya dapat abangan. Ngayong araw na ‘to, September 12, ang opening sa mga piling sinehan ng 3rd TOFARM Filmfest.

Bukod sa ‘Sol Searching’ ay kasali rin dito ang ‘Mga Anak ng Kamote’ ‘Alimuom’, ‘1957’, ‘Kauyagan’ at ‘Tanabata’s Wife’.

Bryan may breast exposure

Si Jolo Revilla ang nagpapayat at nagpaganda ng katawan para sa action-packed movie na ‘Tres’ pero si Bryan Revilla pala ang may pa-abs at pahubad dito.

Biro ni Bryan, may breast exposure siya sa movie at humirit pa na may puwet exposure din daw siya. Ang tatay niya raw na si Senator Bong Revilla ay nagawa ‘yon noong araw, pero siya raw ay mukhang hindi kakayanin ng dibdib niya ang magpakita ng puwet.

Nang itanong namin kung gaano kainit ang love scene nila sa ‘Virgo’ episode ng ‘Tres’ ng kapareha niyang si Carla Humphries, ngumiti lang si Bryan at nagdayalog na panoorin na lang namin ang movie.

May tsikang naging girlfriend niya noon si Carla, pero ang sabi ni Bryan ay good friends lang sila. Magkapitbahay daw kasi sila nito at mga 16-anyos pa lang siya ay magkakilala na sila. Tumatawa lang si Bry at walang inamin about Carla.

Ang inamin niya ay ang isa pa niyang ex-GF na si Joanne Villablanca, na ngayon ay matagal nang nobya ni Derek Ramsay. College pa raw sila nu’n ni Joanne at naka-1 year din ang relasyon nila.

Akala namin nu’n ay ikakasal na si Bryan sa girlfie niyang doktora, pero hindi raw sila meant to be. Si Maui Taylor ang kilalang nakarelasyon niya sa showbiz before. Nagkita raw sila nito recently, pero wala na silang contact ni Maui.

Sa kanilang tatlo nina Jolo at Luigi Revilla, ang habulin daw ng mga babae, sabi ni Bryan ay si Jolo.

Pero si Jolo ang pinakamatagal makipagrelasyon. 8 years sina Jolo at Jodi Sta. Maria. Si Bryan ay 4 years ang longest relationship.

Sa tagal nina Jolo-Jodi ay naging close din si Bryan kay Jodi dahil naging parang kapamilya na nila ito.

Sayang daw at hiwalay na ang dalawa, pero wish ni Bry na sana ay may chance pa ang dalawa because they’re good people and they look good together.

May narinig kaming chika na naka-date noon ni Bryan si Yassi Pressman, pero ang sabi ng pa­nganay nina Sen. Bong at Mayora Lani Mercado, good friends sila ni Yassi at nag-hang out lang sila dati dahil meron silang mga common friend.

Nothing romantic daw ‘yon, nakasama niya lang itong lumabas dahil friendly raw kasi siya.

Walang lovelife ngayon si Bryan pero masaya raw siya kahit alone.

Concept ng tatay nilang si Sen. Bong ang 3-in-1 movie ng Revilla brothers.

May matinding fight scene si Bryan sa ‘Virgo’ na nagkatamaan talaga sila ni Kiko Matos. So, umuuwi raw siyang masakit ang katawan at may mga pasa.

Si Richard Somes ang nagdirek ng ‘Virgo’ episode ng ‘Tres’ na sa October 3 ang showing sa mga sinehan, mula sa Imus Productions distri­buted by Star Cinema.