Abante Tonite Interactive

Maine mas kinampihan si Juancho kesa kay Alden

By
3,948

Talk of the town na naman ang pano­nood nina Maine Mendoza at Juancho Trivino ng Lany concert last Friday night at lalo talagang lumakas ang hinala ng mga fans na may something na namumuo sa dalawa.

Wala sanang isyu between Maine and Juancho noon at pinaniniwalaan ng karamihang mga fans na magkaibigan lang talaga sila, same with Sheena Halili dahil sa pagsasama nila dati sa Destined to Be Yours.

Pero after ng ‘fuck u’ sign ni Juancho habang nakita sa video ang picture ni Alden Richards, dito na nagsimula ang issue at siyempre, nagsimula na ring i-bash ang una ng mga Aldub fans at pati si Maine ay na-bash na rin ng fans ni Alden dahil bakit daw sa kabila ng ginawa ni Juancho ay kaibigan pa rin nito ang young actor.

Abante Hiring – IT dep

Himutok pa ng mga fan parang kinakampihan daw ni Maine si Juancho kesa kay Alden.

May lumabas namang hindi naman daw magkasama sina Maine at Juancho. Iba raw ang kasama talaga ni Maine na nanood lalo pa nga’t spotted din sa Lany concert ang na-link din kay Maine na si Jake Ejercito.

Pero sources said na ang magkasama talaga na nanood ng concet ay sina Juancho at Maine since marami ring nakakita sa kanilang taga-showbiz na nanood din that night.

Direk Cathy sobrang tanga sa Twitter

Hindi akalain ni direk Cathy Garcia-Molina na lalaki nang ganu’n ang tweet reply niya sa isang netizen about JaDine (James Reid and Nadine Lustre).

“Kasi sobra kasi akong tanga sa social media. Kung hindi niyo napansin ‘yung Twitter account ko bagong-bago ‘yun kasi nga hindi ako marunong, ang alam ko lang ‘pag like ako ng like. Ang followers ko nga ang kokonti eh kasi kakabukas ko lang nga. Ang akala ko pag ni-replyan mo ang isang tao siya lang ang makakakita. Nong marami nang sumasagot don ko lang na-rea­lize na my god ang dami pala,” paliwanag ni direk Cathy in her recent interview with the press.

Saka pa lang niya na-realize na lumaki na ang issue nang ang dami nang nagre-react at nangba-bash sa kanya.

“Tapos ang dami nang sumusundot na kung anu-anong reactions so kaya pala nagalit kasi ganito,” she said.

Humingi naman ng paumanhin si direk Cathy sa kanyang pagkakamali. Ako talaga I would like to apologize, no?

“I have no intention whatsoever na i-demean or siraan, bakit ko naman gagawin ‘yun?” sabi pa ng direktora.